CHAPTER 44

63 2 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 44
#ALTRAceeptance

Yulo Luciano POV:

Masyado akong naging manhid para sa mararamdaman ni Nikko dahil sa mga masasakit na binitawan ko, ngunit walang pwedeng sino man ang manisi sakin dahil kahit isa sa kanila hindi nila naranasan ang sitwasyong napag daanan ko.
Lahat ng pighati at sisi ay aking sinalo noon kaya't walang sino man ang may karapatan upang husgahan ako ngayon.

"Bakit mo naman pinag salitaan si Nikko nga ganon Yulo?"

Tanong sakin ni Zian, sa totoo lang hindi ko mapigilan nung oras na yun na ibunton lahat kay Nikko ang galit ko dahil kundi dahil sa ama nya hindi sana ako pinag kaitan ng pag mamahal ng mga magulang ko.

"Nakakaawa naman si Nikko, I'm sure hindi biro ang pinag dadaanan nya ngayon"

"Sakin ba Zian naawa ka? Halos buong buhay ko pinag kaitan ako ng pag mamahal dahil lang sa pesteng tatay ni Nikko! Kundi dahil sa lalaking yun, hindi sana ako nanlilimos ng pag mamahal ngayon sa mga magulang ko!"

"Gets ko ang point mo pare, napagkaitan ka at nahirapan ka pero gets mo din ba ang pinag dadaanan ni Nikko ngayon? Pare, inusenteng tao ang pinag bubuntunan mo... Kung gusto mong magalit, doon ka sa ama ni Nikko mag labas ng galit mo"

"Pero anak sya ng taong naging dahilan kung bakit nag pakamatay si Dad! Sa tingin mo ba Zian masisikmura ko pang makita sya?!"

"Oo gets ko yang feelings mo, normal lang na magalit ka sa kanya... Pero Yulo, hindi ka ba naaawa kay Nikko? Wala namang alam yung taong yun sa pagkamatay ng Dad mo, ni hindi nya pa nga siguro nakikita si tito Juanito eh... Sana naman intindihin mo din yung side ni Nikko"

"Hindi ko pa siguro kayang intindihin sya ngayon Zian, mahirap para sakin na malaman ang buong katotohanan! Madaling sabihin yan dahil hindi naman kayo ang napag kaitan kundi ako!"

"Sabagay, hindi ka rin naman namin masisisi dahil hindi rin naman naging madali ang mga pinag daanan mo... Basta kapag nakapag isip isip kana, bigyan mo ng oras ang sarili mo para intindihin din si Nikko"

Alam kong walang kasalanan si Nikko pero sa ginawa ng Dad nya ay hindi ko parin maiwasang masuklam kapag nakikita sya, sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha ay naaalala ko ang ginawa ng kanyang ama.

"Bwiset!!! Ayoko na!!"

Nalimas lahat ng mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng aking table dahil sa galit at sobrang gulo ng isipan ko, hindi ko na rin napigilan pang tumulo ang mga luha ko sa mga oras na to.

"Bakit ako?! Bakit ako pa yung dapat makaranas nito?! Bakit ako pa?! Hindi naman ako masamang tao kaya bakit ako pa?!!"

Sigaw ko habang nakatukod ang dalawang kamay ko sa lamesa at umiiyak, sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nalaman ko kaya't ganto nalang ang emosyong lumalabas sakin.

"Oh Yulo, ano bang nangyayari sayo?!"

Biglang pumasok si Zian sa loob ng office ko matapos syang makarinig ng mga gamit na nag kalampagan sa sahig.

"Nag wawala ka ba? Nako naman Yulo, hindi magiging maayos ang problema mo kung sa pag wawala mo idadaan lahat!"

"Zian, pagod na pagod nako... Hindi ko na kaya tong mga nangyayari sakin... Hindi ko na kaya Zian"

"Yulo kayanin mo, alam kong kaya mo yan kaya please lumaban ka! Hindi ganyang Yulo ang nakilala ko kaya labanan mo yan! Matatag ka Yulo kaya naniniwala akong malalagpasan mo ang mga pag subok na dumadating sayo ngayon"

"Paano Zi? Paano ako makakawala sa sitwasyong ito? Ni hindi ko nga alam kung papaano ako nakapasok sa gantong klasing problema, kaya di ko din alam kung paano kumawala sa an problemang to"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon