Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)
—
CHAPTER: 19
#ALTRConfirm
—
Nikko Alejo POV:
"Totoo nga, totoo ngang mahal nya din ako"
Bulong ko sa sarili ko habang nakasandal ako sa labas ng pinto ng office room ni sir Yulo, tama nga ang nararamdaman ko na may tinatago din syang feelings sakin.
Ang totoo nyan si Yulo talaga ang lalaking gusto ko, hindi ko lang magawang sabihin sa kanya dahil ayokong masaktan ang kakambal nyang si Yuno.
Alam kong napaka hirap ng sitwasyon naming to kaya ganon nalang itago ni Yulo ang nararamdaman nya para sakin, mabuti nalang nung makita ko sya na sumilip sa pantry ay agad ko syang hinabol.
[FLASH BACK]
"Teka si Yulo yun ah?"
"Si Yulo? Hindi naman umaakyat si Yulo dito sa 8 floor Nikko ah?"
"Si Yulo yun, hindi ako pwedeng magkamali Yuno! Nakita ko syang sumilip sa pinto, teka lang Yuno hahabulin ko lang para makasabay sating kumain"
"Teka Nikko wag na- -"
Tumayo agad ako at iniwan si Yuno na nag iisang kumakain sa table, agad ko namang hinabol si Yulo pero hindi ko na sya naabutan pa kaya pumunta nalang ako sa office nya.
[END OF FLASH BACK]
"Oh, naabutan mo ba si Yulo?"
Pag balik ko ay nandun parin si Yuno na nag hihintay saking bumalik, hindi nya ginalaw ang pagkain na kinakain naming dalawa kanina at hinintay nya talaga akong makabalik para sabayan sya.
"Hindi na Yuno, nakaalis na sya agad eh"
"Bakit ang tagal mo?"
"Uhm nag CR pa kasi ako"
"Ganun ba? Sige, kumain kana dyan Nikko... Hindi ko inubos agad tong kinakain ko para masabayan kita"
"Uhm, ano kasi Yuno tapos na yung break ko... Kailangan ko ng bumalik sa trabaho, pasensya kana ah? Sa susunod nalang tayo ulit mag sabay ng lunch"
"Pero- -"
"Sorry talaga, bye!"
Hindi ko na sinabi kay Yuno ang totoong nangyari dahil ayokong masaktan sya, sobrang bait sakin ni Yuno at wala na syang pinakita pang iba kundi kabutihan sakin.
Nakakakonsensya lang na pinag tataguan ko sya ng lihim dahil napakabuting tao nya, hindi ko na sya kayang harapin pa kaya sinabi kong tapos na ang breaktime ko kahit hindi pa at nag madali ng umalis.
"Ayusin nyo ang pag lilinis dito! Ayoko ng bulilyaso at concern ha! Keep the cleanliness in this building, ayoko ng pabagal bagal!"
(Yes ma'am Ethyl)
Naabutan kong bini-briefing ni ma'am Ethyl ang mga co janitor/janitres ko para sa duty na gagawin namin, nahuli ako ng dating sa briefing kaya nung pag pasok ko ay bigla akong tinawag ni ma'am Ethyl.
"Mr Nikko Alejo! Hindi ka ba na inform na dapat on time ka babalik dito para nabi- briefing ko kayo?!"
"Ah- Uhm ma'am Ethyl hindi ko po kasi alam pa ang mga rules dito"
"Ngayong alam mo na, I'm expecting na hindi mo na ulit to gagawin pa!"
"Yes ma'am, hindi na po mauulit"
Umupo ako sa gilid para makinig ng briefing ni ma'am Ethyl pero bago ako makaupo ay may napansin akong limang babaeng nasa sulok na nag uusap usap, nakita kong nakatingin sila sakin na parang ako ang pinag chi-chismisan nila.
(Sya yung pinag aawayan ni sir Yulo at Yuno diba?)
(Balita ko dati daw yang taga CS department pero dahil galit sa kanya si ma'am Margaret pinatapon sya dito)
(Huh? Talaga?)
(Oo mga friends, ang chika pa nga nilalandi nya daw yung kambal)
(Malandi pala yang baklang yan eh!)
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [SEASON 1]
RomantikNikko is a kind and motivated person who does nothing but to support his family, despite the difficulties that he experiences in life, he did not hesitate to face the challenges. Yulo is one of the owners of the largest company in the world while Yu...
![A Love To Remember [SEASON 1]](https://img.wattpad.com/cover/263895821-64-k518494.jpg)