CHAPTER 3

312 15 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 3
#ALTRKiligOverload

• Yuno Luciano POV:

Mabilis kong pinapatakbo ang sinasakyang kong motor sa madilim na gabi, tila humaharurot ang motor na sinasakyan ko sa mga oras na to dahil mabilis na pag papatakbo ko.
Kasabay nito ay ang pag iisip ko tungkol sa pagkamatay ng aking ama dahil sa kagagawan ni Yulo na aking kakambal, sya ang sinisisi ko sa lahat ng mga nangyari sa pamilya namin.
Pero kahit anong galit ko kay Yulo hindi parin naman maiaalis ang ugnayan naming dalawa bilang mag kapatid, kaya palagi kong isinasantabi ang galit sa puso ko kapag nakikita ko sya.

"Si Nikko yun ah?"

Bulong ko sa sarili ko nung natanaw ko si Nikko na nag lalakad mula sa malayo habang nakasakay ako ng mutor, agad ko naman syang pinuntahan at iniharang ang motor na sinasakyan ko sa dadaanan nya.

"Ay anak ng kalabaw!!.. Ano ka ba naman kuya sa daan ko pa talaga ikaw dadaan!"

Nagulat si Nikko nung iniharang ko sa kanyang harapan ang motor na sinasakyan ko sabay sigaw, agad ko namang tinanggal ang helmet na suot ko sabay tingin sa kanya.

"Gabing gabi na ah, bakit nasa labas ka pa?"

"Yuno? Ikaw pala yan! Ano ka ba, papatayin mo ba ako?!"

"Paharang harang ka kasi sa daan"

"Hoy hindi ah! Baliw tong lalaking to"

"Bakit ka nag lalakad dyan? Anong oras na oh, halos hating gabi na"

"Obvious ba, syempre wala akong pamasahe"

"Bakit naman? Nag tatrabaho ka tapos wala kang pera"

"Nalaglag kasi yung wallet ko sa may drainage eh, hindi ko na nakuha... Baka naman pwede moko pautangin Yuno, promise babayaran ko!"

"Hmm... Ayoko, bahala ka dyan!"

"Ang damot mo naman! Hmmf! Ewan ko sayo!"

Nag lakad si Nikko palayo sakin nung tinanggihan ko syang pautangin ng pera, ang totoo nyan wala din akong dalang pera nung mga oras na yon.
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Nikko na nag sisimula ng mag lakad ulit, since dalawa naman ang helmet ko naisipan kong pasakayin nalang sya sa motor ko dahil hindi rin naman kaya ng konsensya ko na pabayaan nalang syang mag lakad mag isa sa daan.

"Hoy Nikko, sumakay kana nga dito sa motor ko!"

"Talaga? Yehey! Salamat!!"

Mabilis naman bumalik sakin si Nikko at isinuot ang helmet na ibinigay ko sa kanya, umupo sya sa likod ko at bahagyang humawak sa tagiliran ko.

"P-Paano ba sumakay dito Yuno?"

"Umupo ka lang ng maayos, kumapit ka!"

Papaandarin ko na sana yung motor ngunit nung sinimulan ko na itong mapaandar bigla ko itong naipreno, napayakap si Nikko sa bewang ko nang mga sandaling ito.
Nanlaki ang mata ko at parang hindi ako naging kumportable sa pagkayap ni Nikko sakin.

"Hays! Ano ba yan, bigla bigla ka naman napreno Yuno! Muntik na tuloy ako malaglag hmm!"

"Kumapit ka kase!"

Sinimulan ko ng paandarin ang motor na sinasakyan naming dalawa ni Nikko, mabilis ko itong pinaandar para mas mabilis kaming makarating sa bahay ni Nikko.
Lumipas ang ilang minuto at sa wakas ay nakarating na din kami sa bahay ni Nikko.

"Salamat Yuno! Ang bait mo talaga!"

"Psh, nambola ka pa!"

"Hehe ingat ka ha!"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon