Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)
—
CHAPTER: 9
#ALTRSecretFeelings
—
Yulo Luciano POV:
Nakita kong nag uusap si Yuno at Nikko malapit sa entrance ng building papasok sa loob ng company, mula sa malayo ay pinag masdan at pinakinggan ko ang pinag uusapan nilang dalawa.
Ngayon ko lang na realize na talaga palang may pakealam sakin si Nikko, ngayon ko rin nalaman na isa sya sa mga taong nakakaintindi sakin.
Hindi ko lubos maisip na ang katulad ni Nikko ang makakaintindi sa isang kagaya kong wala ng ginawa sa kanya kundi itaboy at ituring syang walang kwentang tao, nakokonsensya ako sa lahat lahat ng mga ginawa ko sa kanya sa mga oras na to.
"Pinatawag mo daw ko"
Ilang minuto lang at pumasok na din si Yuno sa loob ng opisina ko, pinatawag ko sya para makausap ng masinsinan at para mag kalinawan na din sa mga bagay na pinag tatalunan naming dalawa.
"May sasabihin ka ba? Bilisan mo lang, wala kasi akong oras sa mga gantong klasing usapan Yulo!"
"Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang kapatid mo, respetuhin mo ako bilang boss mo Yuno!"
"Ano bang gusto mong gawin ko Yulo?"
"Hindi kita pinapunta dito para makipag away Yuno! Pinapunta kita dito para mag kalinawan tayo sa lahat! Bakit nga ba pumasok sa kumpanya ko?"
"Sinabi ko na sayo, hindi ko gustong pumasok sa kumpanya mo! Nandito lang naman ako dahil gusto ni Mom at Lola!"
"Kung ganon, dahil nandito ka na... Sana naman sumunod ka sa lahat ng mga pinapagawa sayo"
"Inuutusan mo ba ako? Baka nakakalimutan mo Yulo, hindi ako basta basta sumusunod sayo!"
"Hindi yan utos ng isang kapatid, utos yan ng isang boss!"
Hindi na nakapag salita pa si Yuno dahil sa mga salitang binabato ko sa kanya at bila nalang syang napatitig sakin sabay tumayo mula sa pag kakaupo nya, aalis na sana si Yuno ngunit hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan sya dahil hindi pa tapos ang mga katanungan ko para sa kanya.
"Saglit lang, may isang tanong pa ako!"
"Ano ba yon ha Yulo?!"
"Gusto mo ba si Nikko?"
Hindi nasagot agad ni Yuno ang tanong ko sa kanya tungkol kay Nikko, napatitig sakin si Yuno ng ilang sigundo sabay nilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko habang nakatitig sya sa aking mga mata.
"May gusto ka ba kay Nikko, Yuno?!"
"Bakit ikaw ba Yulo, gusto mo ba si Nikko?!"
"Ikaw ang tinatanong ko, Yuno!"
"Oo! Gusto ko si Nikko! May problema ka ba don ha? Poprotektahan ko si Nikko mula sayo, hinding hindi mo sya masasaktan Yulo!"
Pag katapos sabihin sakin yan ni Yuno ay agad syang lumakad palabas ng opisina ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagustuhan ni Yuno si Nikko dahil ang pag kakaalam ko ay hindi naman sya nag kakagusto sa mga gay na katulad ni Nikko, pero ang mas nakakagulo ng isip ko ay kung may nararamdaman din ba ako para kay Nikko.
"Anong nangyari? Nag away nanaman ba kayo ni Yuno?"
Pag kaalis na pag kaalis ni Yuno ay sya namang pumasok si Zian sa loob ng opisina ko, pumasok si Zian na may pag tataka sa kanyang isipan nung makita nyang lumabas si Yuno na nakasimangot sa loob ng opisina ko.
"Bakit nakasimangot nanaman yang kapatid mo? Pinag salitaan mo nanaman ba?"
"Hindi Zian, kinausap ko ng maayos si Yuno pero nag mamatigas talaga sya sakin... Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya"
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [SEASON 1]
RomanceNikko is a kind and motivated person who does nothing but to support his family, despite the difficulties that he experiences in life, he did not hesitate to face the challenges. Yulo is one of the owners of the largest company in the world while Yu...
![A Love To Remember [SEASON 1]](https://img.wattpad.com/cover/263895821-64-k518494.jpg)