CHAPTER 43

67 2 0
                                        

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 43
#ALTRASecretReveal

Yuno Luciano POV:

Hindi pwedeng malaman ni Yulo na ang Dad ni Nikko at ang lalaking hinahanap nya ay iisa, nakakasiguro akong hindi matatanggap ni Yulo si Nikko kapag nalaman nya ang totoo.
Ayokong masaktan si Nikko kaya't gagawin ko ang lahat maprotektahan lang sya, naniniwala ako na walang kinalaman si Nikko sa pag kamatay ni Dad at nakakasiguro ako doon.

"Tulala ka ata dyan Yuno? Anong problema?"

Tanong sakin ni Alfred, hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang mga rebelasyong nalaman ko ngayon.

"Huy, nakikinig ka ba Yuno?!"

"A-Ano ulit yun? May sinasabi ka ba Alfred?"

"Hays, alam mo kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo... Ano ba kasing problema mo dyan Yuno?"

"Wala to, wag mo nalang akong pansinin"

"Oh ayan, nakatulala ka dyan tapos pag tinanong ka kung anong problema wag kana lang pansinin... Ewan ko sayo Yuno"

"Mahirap kasing sabihin sayo Alfred, kung tungkol lang saming dalawa ni Nikko to sasabihin ko sayo... Eh kaso hindi lang naman kami ang involved dito"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta, kahit sabihin ko sayo hindi mo naman maiintindihan... Tsaka isa pa masyado na tong personal Alfred para i-kwento pa sa iba"

"Hmm ganon ba? Pasensya kana kung kinukulit kita ah... Ang gusto ko lang naman mabigyan ka ng advise para gumaan yang loob mo, para kasing ang bigat ng dinadala mo ngayon eh"

"Naiintindihan naman kita Alfred, ayos lang sakin yon"

"Sana malagpasan mo yang problema mong yan Yuno"

"Sana nga"

Hindi ko alam kung dapat bang ipag takpan ko pa si Nikko, naguguluhan ako kung dapat ko din bang itago nalang ang mga nalalaman ko kahit na alam kong makakatulong to para kay Yulo.

"Yuno!"

Natanaw ko si Nikko mula sa malayo na kumakaway sakin, agad naman itong lumapit sakin ng makita ko sya.

"Yuno, kamusta ka na? Pasensya kana talaga sa inasal ni Papa sayo nung nakaraan ah?"

Pakiramdam ko lumalayo ang loob ko kay Nikko na para bang ayoko muna syang makita at makausap kaya't napilitan nalang akong ngitian sya at umalis.

"Teka Yuno!"

Napansin ni Nikko na ini-ignore ko sya sa mga oras na to kaya't nag madali syang hawakan ang kamay ko upang pigilan ako sa pag alis.

"Ano ba, wag mokong hawakan!"

Napabitaw si Nikko mula sa pagkakahawak sa aking kamay dahil sa gulat, halos hindi sya makapag salita habang nananatiling nakatingin saking mga mata.

"A-Uhm pasensya na Yuno! Uhm sige, uhh pasensya na sa istorbo!"

Tumakbo si Nikko palayo sakin dahil sa magkahalong gulat at takot na nararamdaman nya dahil sa maling inasal ko.

"Teka Nikko sandali!"

Sinubukan ko syang pigilan ngunit masyado nang malayo ang natakbo nya, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa mga oras na to ngunit hindi rin naman ako masisisi ng tadhana kung bakit ganon nalang ang inasal ko sa harap ni Nikko.

"Oh, anong nangyari? Bakit mo sinigawan si Nikko ng ganon?"

Nakita ni Alfred ang lahat ng nangyari nung mga oras na mag kausap kaming dalawa ni Nikko, miski si Alfred ay nagulat din dahil sa mga kinilos ko.

A Love To Remember [SEASON 1]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon