CHAPTER 30

67 3 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 30
#ALTRMaySomething

Yuno Luciano POV:

Sa loob palang ng sasakyan ay nakikita ko ng papadaan sina Nikko at Frankwin, hawak hawak ni Frankwin ang kamay ni Nikko na para bang gusto syang dahil nito sa kotse nya.
Yun ang naging dahilan para mainis ako at mapilitan akong lumabas ng kotse dahil alam kong dinidiskartehan na ni Frankwin itong si Nikko kaya't nandito ako para sabutahin ang diskarte nya.

"Oh, nandito pala kayo?"

Bungad kong pagkasabi sa kanilang dalawa, napahinto naman sila ng makita nilang lumabas ako sa kotse.

"Oh, bakit parang hindi kayo makagalaw dyan"

"Can you move? You're blocking our way"

"Bakit naman? Ang lawak lawak ng daan dito oh tapos hinaharangan kita?"

"Can you please excuse us, mr Yuno Luciano?"

"Bakit? Dadalhin mo si Nikko dyan sa kotse mo?"

"It's none of your business so can you please MOVE?!"

Hindi ako umalis at mas lalong humarang ako sa pinto ng kotse ni Frankwin, ngayon wala nakong hiyang nararamdaman sa kanya kahit na isa pa syang share holders ng company dahil kapag ang taong mahal mo ang diniskartehan siguradong mawawalan ka ng kahihiyan sa katawan.

"Frankwin, ayoko ng gulo kaya pwede ba umalis ka sa harap ng ko pinto?!"

"Ano ngang gagawin nyo ni Nikko dyan sa loob ng kotse mo?!"

"Kailangan ko pa bang sabihin sayo? Can't you see? Basa ang pants ni Nikko so kukuhain ko ang extra pants ko para may magamit si Nikko"

"Ah ganun ba? Teka, meron din akong pants so yun nalang ang gagamitin ni Nikko... Thank you nalang ha?"

Pumasok ako sa loob ng kotse ko upang kunin ang extra pants na nasa loob nito, agad naman akong lumabas para iabot kay Nikko.

"Oh yan, magka size naman tayong dalawa Nikko kaya alam kong fit na fit sayo yan"

"Pero- -"

"Wag kanang mag pero pero... Bagay naman saying pants na yan eh"

Hindi na nakasagot si Nikko sa halip ay napatingin nalang ito kay Frankwin, nakita ko namang naiirita si Frankwin sakin dahil sa ginawa ko sa kanya.
Wala nakong pakealam kung anong isipin nya pero hindi ko hahayaang makalapit sya kay Nikko.

"Talagang hindi ka nag papadaig no?"

Sabi ni Frankwin, sa pananalita at galaw palang niya ay mahahalata mo talaga na may feelings din sya kay Nikko.

"Ngayon alam ko na kung bakit hindi kayo mag kasundo ng kapatid mong si Yulo"

"Ano bang pakialam mo ha?"

"That's exactly my point, anong pakialam mo din para harangan kaming dalawa ni Nikko? Bakit, boyfriend ka ba nya?"

Hindi ako nakapag salita nang batuhin ako ng mga katanungan ni Frankwin, nanatili lang akong nakatitig sa kanya ng masama.
Halos kumukulo ang dugo ko sa mga oras na to ngunit pinipigilan ko na lamang dahil alam kong wala din akong karapatan kay Nikko.

"Oh bakit hindi ka makapag salita? Bakit parang umurong ata ang dila mo Yuno?"

"Tumigil ka!"

"Bakit ako titigil? Hindi mo pako kilala Yuno, bago ka naging halimaw nauna muna ako sayo... Pasalamat ka at nandito sa harap natin si Nikko of not, matagal ko ng binasag yan mukha mo"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon