CHAPTER 41

66 4 1
                                        

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)
-
CHAPTER: 41
#ALTRReunion
-

Nikko Alejo POV:

"Oh, bakit hindi ata mapinta yang mukha anak?"

Tanong sakin ni Mama, napansin nyang naka lugmok ang aking mukha nang pumasok ako sa loob ng bahay.
Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang pag alis ni Frankwin, naka bakas parin sa isip ko ang pag lisan nya ng wala manlang pasabi sakin kaya't ganto nalang ang lungkot na nararamdaman ko sa mga oras na to.

"Hmm may problema ba anak? Pwede mo naman akong sabihan"

Pahabol na pagkasabi ni Mama, sa bigat ng nararamdaman ko ngayon ay bigla akong umiyak at yumakap kay Mama.

"Maa.... Ma... Ang bigat ng loob ko ngayon"

"Sshhh sige lang anak, iiyak mo lang yan... Ilabas mo lang yang nararamdaman mo"

"Ma... Bakit ganto Ma, kaibigan ko lang naman sya pero bakit ganto yung epekto sakin ng pag alis nya Ma?!"

"Nak, ano bang problema? Sabihin mo sakin baka makatulong ako"

"Ma... Si Frankwin kasi..."

"Anong meron sa kanya anak?"

"Ma... Si Frankwin, umalis na Ma... Hindi manlang sya nag paalam... Sinubukan kong habulin sya sa airport pero huli na ang lahat, hindi ko na sya naabutan Ma.."

"Sshhh tahan na anak... Siguro may magandang reason si Frankwin kung bakit ka nya iniwan anak..."

Hindi ko napigilan ang luha kong pilit na tumatagas sa aking mga mata habang nakayakap ako sa aking ina, binuhos ko kay Mama lahat ng bigat ng nararamdaman ko sa mga oras na to at ilang saglit lang ay gumaan na din ang pakiramdam ko.

"Anak, hindi mo naman mapipilit ang isang tao kung gusto na nitong umalis"

Sabi ni Mama, iba pala kapag sa sarili mong ina ka nag kukwento ng nararamdaman mo dahil ramdam na ramdam mo talagang may nakikinig sayo at the same time ramdam mo din ang concern nya.

"Ma, hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko kay Frankwin... Ma, kaibigan ko lang naman sya"

"Sinabi ko naman sayo na wag ka masyadong mag padala sa isang tao"

"Pero Ma, may taong mahal nako pero iba yung dating sakin nung umalis si Frankwin... Pakiramdam ko nawala ang kalahati ng pagkatao ko"

"Kahit pa nak, may tinatawag kasi tayong late bloomer love... Alam mo ba ang ibig sabihin non anak?"

"Ano po Ma?"

"Noon hindi nag grow ang love na meron kayong dalawa ni Frankwin dahil hindi maganda ang environment sa paligid nyo... Parang bulaklak lang yan anak, kapag ang bulaklak hindi nag bloom kailangan mong ayusin ang environment para mag bloom ito at hindi ang bulaklak... Ngayon, naging maayos ang environment nyo ni Frankwin kaya nag grow at ng bloom ang love na meron kayo"

"Kahit na may mahal nako Ma?"

"Oo anak, yung nararamdaman mo kay Frankwin ngayon ang tawag dyan late bloomer love dahil ang love na yan ay dati mo pang nararamdaman sa kanya... Ngayon lang sya sumibol... At yung love na nararamdaman mo ngayon sa isang guy na sinasabi mo, ang tawag don ay totoong pag ibig... Dahil parehas nyong binibigay ang pag mamahal nyo sa isa't isa"

Siguro nga ganon ang nararamdaman ko ngayon para kay Frankwin, ngayon nalinawan nako sa lahat ng mga nangyayari.
Ang kailangan ko nalang sigurong gawin ay tanggapin ang katotohanan na wala na talaga si Frankwin sa buhay ko.

A Love To Remember [SEASON 1]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon