Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)
—
CHAPTER: 39
#ALTRFranwinConfession
—Nikko Alejo POV:
"Nandito na ko!"
Bati ko kay Mama pagkapasok ko sa loob ng bahay namin, agad naman akong sinalubong ng ngiti ni Mama at kinuha ang mga dala kong gamit.
"Ako na dyan anak!"
Sagot ni Mama, agad naman nyang dinala ang mga gamit at pagkain na dala ko sa lamesa.
"Kamusta ang araw mo nak?"
Tanong ni Mama, naupo naman ako sa upuan upang ipahinga ang aking mga paa na napagod sa kakalakad.
"Hay nako Ma, pagod talaga ako ngayon... Nanalo kasi si Frankwin sa athletic tournament ngayon kaya naisipan kong ilibre naman sya... Sya nalang kasi palagi ang nang lilibre sakin eh..."
"Mukha atang napapadalas na ang pag sasama nyo ni Frankwin anak, baka naman ikaw din ang maguluhan nyan sa bandang huli"
"Ma, kaibigan ko lang si Frankwin... Tsaka isa pa mabait yung tao sakin kaya sinusuklian ko lang din ang kabaitan nya"
"Anak ang sakin lang naman, ayokong ikaw ang mahihirapan sa bandang huli... Ayokong nahihirapan ka nak"
"Mabait na tao si Frank Ma, alam kong hindi nya ako sasaktan..."
"Sana nga anak, ayokong ikaw ang nahihirapan... Mas gugustuhin kong ako nalang wag lang ikaw nak"
"Ma, wag mokong alalahanin... Nasa mabuting kamay ako ngayon... Alam mo nga Ma, binigay nga sakin ni Frank ang nakuha nyang medal sa tournament"
"Talaga nak?"
"Opo, ito nga po Ma oh"
Pinakita ko kay Mama ang gold medal na binigay sakin ni Frankwin, napangiti naman si Mama nang makita nya ito.
"Napakaganda naman nyan anak"
"Oo nga po Ma eh, napakaganda nv medal na to... Parang si Frankwin lang, napakaganda ng ugali"
Matapos naming mag usap ni Mama ay agad na akong umakyat sa kwarto upang mag pahinga, nakahiga ako sa aking kama habang pinag mamasdan ang medal na binigay sakin ni Frank.
"Salamat Frankwin, hindi ko akalaing magiging close tayo ng ganto at mas lalong hindi ko inaasahan na mag babago ang tingin mo sakin"
Bulong ko sa aking sarili habang nakangiti, bumangon ako at isinabit ko ang medal sa dingding kung saan palagi ko itong makikita.
"Yan, mas maganda kapag nakasabit ka ng ganyan"
Para ba akong isang baliw na kinakausap ang medal habang nakasabit ito sa dingding, kapag nakikita ko ang medal na to ay naaalala ko si Frankwin.
(Ring Ring Ring)
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko naman itong tinignan at ng makita kong si Maricris ang tumatawag ay agad ko din itong sinagot.[PHONE CALL CONVERSATION]
"Hello, Nikko! Kamusta naman ha? Kamusta yung game ni sir Frank? Ano okay ba? Maganda ba?"
"Oo nanalo sya Mari, alam mo ang galing nya... Halos hindi ako kumurap nung pinapanuod ko sya sa laban nya"
"Uuuy! Nai-inlove na sya! Hahaha nako Nikko ah, masama ang two timer! Wag kang ganyan, kailangan mamili ka kay sir Yulo at kay sir Frankwin"
"Hoy hindi naman ako ganon no, naa-amaze lang talaga ako sa mga ginagawa sakin ni Frank... Kanina nga nag punta kaming perya"
"What? So confirm na yan? Date ba yan o tamang gala lang?"
BINABASA MO ANG
A Love To Remember [SEASON 1]
RomanceNikko is a kind and motivated person who does nothing but to support his family, despite the difficulties that he experiences in life, he did not hesitate to face the challenges. Yulo is one of the owners of the largest company in the world while Yu...