CHAPTER 7

203 13 1
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 7
#ALTRItReallyHurts

Nikko Alejo POV:

"Nikko, hindi pumasok si Yulo kaya ako muna ang in charge dito sa office"

Nag tataka ako kung bakit wala si sir Yulo ngayon sa office, sa pag kakaalam ko hindi naman sya na absent simula nung tumungtong akonm dito sa company nya.
Nag aalala tuloy ako sa kanya dahil nung huli kaming nag kita ay mukhang malungkot at malalim ang pinag dadaanan nya, bakas sa mga mata nya noon ang kalungkutan kaya't hindi nya maitatanggi sakin na malungkot sya.
Gusto kong malaman kung ayos lang ba si sir Yulo sa mga oras na to dahil hindi ako mapapakali kapag hindi ko malalaman ang kalagayan nya, sobrang nag aalala talaga ako kay sir Yulo sa ngayon.

"Pahinga ka ngayon Nikko sa kasungitan ni Yulo, bukas pa sya papasok"

"Pero sir Zian, bakit naman po hindi pumasok si sir Yulo?"

"Hindi ko din alam Nikko, hindi naman nya nasabi sakin kung bakit hindi sya makakapasok ngayon"

"Wala ba syang sakit? Okay lang ba si sir?"

"Hindi ko alam Nikko... Teka, hindi ka ba masaya na wala si Yulo ngayon? Makakapag pahinga ka kaya!"

"Nag aalala lang ako kay sir Yulo, yung huli kasi naming pag uusap napaka lungkot nya... Iniisip ko lang baka kailangan nya ng karamay sa mga oras na to"

"Wag mo ng isipin yun Nikko, matatag na tao si Yulo kaya sigurado akong kung ano man ang pinag daraanan nya ngayon ay malalagpasan nya"

"Sana nga sir Zian"

"Sige na Nikko, may aayusin pakong mga papeles"

Hindi parin maiaalis sakin ang pag aalala kay sir Yulo ngayon, iniisip ko na baka kung anong nangyari sa kanya.
Tinatawagan ko ang number nya pero hindi nya naman sinasagot ang mga calls ko, miski ang mga chats ko sa messenger ay hindi nya nirereplyan.
Mas lalo tuloy akong nag aalala sa kanya sa mga oras na to, gusto kong masigurado na ayos lang si sir Yulo ngayon.

"Ayos lang kaya sya? Bakit kasi ayaw nyang sagutin yung mga tawag ko eh"

Bulong ko sa sarili ko habang pilit kong tinatawagan ang number ni Yulo, maya maya lang at biglang dumating si Laly na may hawak na mga papel.

"Nikko, ipa xerox mo daw tong mga papers... Kailangan daw ng five copies nito ni sir Zian"

"Ha? Anong yung sinasabi mo Laly?"

"Ang sabi ko ipa xerox mo daw tong mga papers na binigay sakin ni sir Zian"

"Ah sige, lagay mo nalang dyan sa desk!"

"Teka, ano ba yan? Bakit parang busy ka sa ginagawa mo dyan?"

"Ah- - wala to!"

"Teka, si sir Yulo ba yang tinatawagan mo?"

"Uhm... Hindi ah- - uhmm sige na Laly... Ako ng bahala dito sa mga papers!"

"Bakit tinatawagan mo yang si sir Monster na yan?"

"Nag aalala lang kasi ako kay sir Yulo, hindi kasi sya pumasok ngayon eh"

"Okay nga yun eh, hindi ka ba masaya? Palagi tayong kotang kota sa mga paninigaw nyan kaya dapat lang mag celebrate tayo ngayong wala sya, makakapahinga tayo sa paninigaw nya!"

"Hindi naman ako naaapektuhan sa mga paninigaw ni sir Yulo"

"Baka naman inlove kana kay sir Monster ah!"

Hindi ako nakapag salita agad dahil sa sinabi sakin ni Laly, hindi ko maintindihan pero siguro naman hindi pako nahuhulog kay sir Yulo.
Gwapo, matalino at higit sa lahat kaya nyang dalhin ang sarili nya, sigurado akong nakay sir Yulo na ang hinahanap ng mga babae ngayon.
Pero kahit ganon masasabi kong hindi pako nahuhulog kay sir Yulo pero meron akong pag hanga sa kanya, hindi dahil gwapo sya o kung ano man sa nabanggit ko kundi dahil nakikitaan ko sya ng kabaitan sa kabila ng mabagsik nyang pakikitungo.

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon