CHAPTER 45

72 4 2
                                        

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 45
#ALTRMeetSylvester

Sylvester Luzano POV:

"Ano?! Tumiwalag si Abner?!"

Laking gulat ko ng malaman ko na ang isa sa mga pinag kakatiwalaan ko na si Abner ay bumaliktad sa samahan at tumiwalag mula sa aming grupo, si Abner ang pinaka pinag kakatiwalaan ko sa samahang ito kaya't ganto na lamang ang aking reaksyon nang ako'y kanyang taksilin.

"Hindi pwede to!!"

Napasigaw ako sa sobrang galit at nilimas ko lahat ng gamit na nasa ibabaw ng aking lamesa.

"Boss, may nalaman pa ho kami tungkol kay Abner!"

Mabuti nalang at meron akong alas na makakapag pabalik kay Abner, nais ko syang maibalik sa aking grupo dahil halos lahat ng sikreto ng samahan na to ay alam nya.

"Anong nalaman nyo tungkol sa taksil na yon?!"

"Boss, ang dating secretary ni Yulo Luciano na si Nikko Alejo ay anak ni Abner!"

Nagulat ako nang isiwalat sakin ni Travino ang kanyang nalalaman tungkol sa pamilya ni Abner, si Travino ay isa din sa mga pinag kakatiwalaan ko noon ngunit nasira ito ng minsan ding taksilin nya ako.

"Ano ho bang gusto nyong gawin natin kay Nikko Alejo, Boss?"

"Hmm.. wag nyo munang galawin yang si Nikko, wag muna tayo mag focus kay Abner... Si Yulo muna ang unahin natin dahil ito na ang panahon para mag kita kaming dalawa"

"Ano namang gagawin natin kay Yulo boss?"

"Mag hintay ka lang Travino, dahil sisindakin ko sa takot tong Yulo para makuha ko ang matagal ko ng gusto!"

Ito na ang panahon para mag kita kaming dalawa ng pinakamamahal kong si Yulo, it's been a long time since huli kaming nag kita.

[FLASH BACK]

"Siguraduhin mo lang Juanito na bukas mo ibibigay ang inutang mo saking pera, kundi alam mo na ang mang yayari!"

"O-Oo naman Sylvester, kelan naman ako hindi tumupad sa usapan d-diba?"

Takot na pag sagot ni Juanito, si Juanito ay ama ng kambal na si Yulo at Yuno na matagal tagal na ding may utang saking pera.

"Ayusin mo lang Juanito, ayokong ginagago ako! Alam mo kung paano ako magalit, Juanito!"

"O-Oo! Wag kang mag alala Sylvester babayaran kita!"

Habang nag uusap kaming dalawa ni Juanito ay biglang may sumulpot na bata sa kanyang likuran, isang 10 years old na bata na walang kamuwang muwang sa pinag uusapan naming dalawa.

"D-Dad, sino po sya?"

Tugon ng bata habang naka kapit sa kanyang damit at nakatingin sakin, napatingin naman si Juanito sakin na parang hindi alam kung anong isasagot sa batang naka kapit sa kanya.

"Ako si Lester, kaibigan ako ng Dad mo... Matalik kaming mag kaibigan, gusto mo ba maging kaibigan mo din ako?"

Tumingin ang bata kay Juanito na parang nag aalinlangan ito ngunit sa huli ay gumaan din ang loob ng bata sa akin.

"Opo! Gusto ko po kayong maging kaibigan! Pwede po ba mag laro tayo minsan kuya Lester?"

"Aba oo naman, sabihan mo lang ako kung kailan mo ako gustong makalaro"

"Yehey!! Sige po kuya Lester!"

Tuwang tuwa ang bata dahil sa pang uutong sinasabi ko dito, halos hindi naman nakakaimik si Juanito at tila ba pinag papawisan dahil habang kinakausap ko ang bata ay nakatingin ako sa kanya.

A Love To Remember [SEASON 1]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon