CHAPTER 4

257 14 1
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 4
#ALTRAngGalitNiMaggie

• Yulo Luciano POV:

"Teka, ano tong nararamdaman ko? Hindi pwede to, hays!"

Sinasampal sampal ko ang sarili ko nung makaramdam ako ng kilig dahil sa mga sinabi sakin ni Nikko, hindi pwede to dahil parehas kaming lalaki.
Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito, hindi ko maiwasang mapangiti nalang habang naiisip yung mga sinabi sakin ni Nikko at napapakabog nalang yung dibdib ko na para akong kinakabahan.
I don't really understand what's happening with me and I didn't know if it's normal kung kiligij ka sa isang lalaki, naguguluhan nako kaya mabilis ko ng inubos ang ice cream na binili namin ni Nikko sabay uwi ng bahay.

"Normal lang kaya tong nararamdaman ko?"

Napapakamot nalang ako sa sobrang pag tataka habang nag lalakad pauwi sa bahay, hindi ko talaga maiwasang maalala ang mga salitang binitawan sakin ni Nikko nung mga oras na yon.

"Sa wakas at dumating kana din Yulo!"

Pagkauwi ko ng bahay ay naabutang kong nag hihintay si manang Fey sa tapat ng pinto mismo at alalang alala sakin, si manang Fey ang pinag kakatiwalaan ko simula nung bata pa ako dahil sya ang naging kakampi ko mula sa mga masasakit na salitang binabato sakin ng mga magulang ko noon hanggang ngayon.

"Kanina pa ho ba kayo dito manang Fey?"

"Oo, alalang alala ako sayong bata ka! Saan ka ba nag punta ha? Nasabi sakin ni Zian na umalis ka daw ng office na hindi manlang nag sabi sa kanya kung saan ka pupunta"

"Pasensya na kayo manang kung nag alala kayo ng dahil sakin"

"Ayos lang yon Yulo, ang mahalaga nandito kana... Nag alala ako sayo dahil alam kong pumunta doon sa office mo ang Mom mo... Ano kamusta naman ang pag uusap nyo Yulo?"

"Ganun pa din... As usual, sermon nanaman... Wala namang bago!"

"Intindihin mo nalang ang Mom mo ha? Ganun lang talaga yon dahil sa pagkawala ng Dad nyo ni Yuno"

"Kahit nung buhay pa si Dad ganyan na talaga sya, mas lumala lang ngayong wala na si Dad!"

"Hays mabait ang Mom mo Yulo, kilala ko ang Mom mo at alam kong mabuting tao yon"

"Pwede ba manang Fey, wag mo ng pabanguhin ang pangalan ni Mom sakin"

Kahit kailan siguro ay hindi na mababago pa ang tingin ko kay Mom, dahil pinaramdam nila sakin that I'm worthless simula nung nagka muwang ako sa mundong to.
Ang hirap lang kasing tanggapin na iba ang trato nila sakin kumpara kay Yuno, kay Yuno lang naman sila mabait pero pag dating sakin wala kang aasahan.

"Sige manang Fey, mag papahinga nalang muna ako"

"Teka kumain kana ba?"

Hindi ko na sinagot pa ang tanong sakin ni manang Fey at dumeretso na ako kaagad sa kwarto ko para makapag pahinga, mas mabuti kung hindi na namin pag uusapan pa si Mom dahil it just ruining the vibes.

"Huh? Ano to?"

Maaga akong pumasok sa office para naman maging busy ako at para hindi na din maisip ang mga problema, may nakita akong coffee sa ibabaw ng lamesa ko at may note pang nakalagay.

"Cheer up?... Sino namang nag lagay nito sa lamesa ko... Cheer up? Hmmm"

Ilang saglit lang at biglang pumasok si Zian sa loob ng office ko na may dala dalang mga papel, agad naman itong lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Oh, nakangiti ka dyan... Ano bang nakalagay sa note na yan at bakit parang may kakaibigang ngiti dyan sa mukha mo?... Ano ba yan?"

"A-Ay wala to! Uhmm padala lang to ng isang kaibigan"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon