Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)
—
CHAPTER: 24
#ALTRAccident
—Yuno Luciano POV
Masakit isipin na ang taong minamahal mo ay may mahal na palang iba pero mas masakit na ang taong minamahal ng taong gusto mo ay ang sariling kakambal mo.
Oo si Yulo ang taong mahal ni Nikko at hindi ko to matanggap sa kabila ng mga managawa kong maganda para kay Nikko, lahat ginawa ko mapasaya lang sya pero sa huli ay hindi nya parin pala ako pipiliin."Ayoko na! Ayoko na!!"
Bulong ko sa sarili ko habang humahagulhol sa pag iyak at mabilis na tumatakbo, nakikita sa likuran ko na hinahabol ako ni Yulo.
"Yuno, tumigil ka muna mag usap muna tayo!"
"Layuan moko Yulo!! Wag mo nakong habulin!!"
"Please makinig ka muna sakin!"
"Wala nakong papakinggan pa dahil malinaw na sakin ang lahat! Alam kong ikaw ang mahal ni Nikko kaya ayoko na!!"
Agad naman akong naabutan ni Yulo at mabilis nyang hinawakan ang braso ko para mapigilan ako sa pag hinto, ng mahawakan nya ang braso ko ay bigla ko syang sinapak sa sobrang galit na nararamdaman ko sa kanya.
"Wag mokong hawakan! Paano mo nagagawa sakin to Yulo? Kakambal moko! Kapatid moko pero nagagawa mo parin agawin yung taong mahal ko!"
"Hindi ko inaagaw si Nikko, Yuno!"
"Hindi? Talaga ba?! Talaga bang hindi mo inaagaw si Nikko sakin?! Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sakin yan!!"
"Makinig ka muna kasi Yuno!"
"Hindi nako makikinig pa sa mva kasinungalingan mo, alam kong tini take advantage mo yung mga gantong sitwasyon para makasingit ka kay Nikko!!"
"Mali yang iniisip mo Yuno!"
"Mali? Eh ano pala ha? Ano Yulo?! Ano?!! Alam mo, noon palang naiinggit ka na sakin eh, kasi alam mo sa sarili mo na hindi ka mahal ng mga magulang natin!! Si mom, pera lang ang habol sayo non kaya kini-claim nyang anak ka nya, pero kung wala kang pera malamang nasa basura ka na ngayon!"
"Bawiin mo yang sinasabi mo!"
"Bakit masakit bang marinig yung katotohanan ha Yulo?! Masakit ba?! Ganyan, ganyang ganyan yung nararamdaman ko ngayon!! Masakit Yulo!! Masakit dahil pati si Nikko kinukuha mo sakin!!"
"Bakit ako Yuno, natanong mo ba kung okay lang ako? Kung masaya ba ako? Kung nagagawa ko ba ang gusto ko kahit na may pera ako?! Hindi naman diba? Hindi kasi wala kang alam!!"
"Deserve mo yan Yulo! Deserve mo lahat ng masasamang nangyayari sayo!!"
Mabilis na sumuntok ang kamao ni Yulo sa aking mukha dahil sa sobrang galit na nararamdaman nya sakin, hindi rin naman ako nag patalo at binawian ko din naman sya ng malakas na suntok..
Nagkaroon ng bangayan sa kalsada gawa ng pag sasapakan naming dalawa ni Yulo na naging dahilan para pag tinginan kami ng mga tao, may mga ilan na umaawat ngunit hindi kami nag patinag ni Yulo mula sa pag sasapakan."Matagal na matagl ko ng gustong gawin sayo to!!"
Galit na galit kong pag sigaw kay Yulo sabay sapak sa kanyang mukha, hindi sya makabawi sa pag sapak dahil nasa ibabaw nya ako.
(Oy tama na yan!)
(Itigil nyo na yan!)
(Mga hijo, tama na yang suntukan na yan)
(Please tumigil na kayo)Sigaw ng mga taong umaawat saming dalawa, hindi parin kami nag patinag ni Yulo at patuloy parin kaming dalawa na nag sasapakan.

BINABASA MO ANG
A Love To Remember [SEASON 1]
RomanceNikko is a kind and motivated person who does nothing but to support his family, despite the difficulties that he experiences in life, he did not hesitate to face the challenges. Yulo is one of the owners of the largest company in the world while Yu...