CHAPTER 38

58 3 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 38
#ALTRTryingToConfess

Frankwin Bisnar POV:

Ito na ang araw na pinakahihintay ko, ang araw ng tournament kung saan pwede akong manalo at makuha ang gold medal na inaasam asam ko.
Kasalukuyan akong nakaharap ngayon sa aking katunggali na galing pang ibang bansa.

"Kailangan kong manalo dito, kailangan kong makuha ang gold medal!"

Bulong ko sa aking sarili, buo ang loob kong ibigay ang lahat upang makuha lang ang gold medal na matagal ko ng inaasam.

"Okay, FIGHT!"

Sigaw ng referee, agad ko namang sinunggaban ang kalaban na nasa pulang kulay.

"Go Frank! Kaya mo yan!"

Bigla kong narinig ang sigaw ni Nikko na nasa pangalawang linya ng upuan, nakita ko syang nakatingin sakin habang lumalaban ako sa stage.
Sa hindi inaasahan ay bigla akong napuruan ng kalaban mula sa pag sipa nito.

"H-Hindi pwede to!"

Determinado akong makuha ang gold medal na matagal ko ng pinapangarap kaya't hindi ako susuko lalo na't ngayon ay may inspiration ako.
Si Nikko ang magiging sandata ko sa laban kong ito.

"Haaa!!!"

Sumigaw ako ng malakas hudyat ng malakas na pag sugot ko sa kalaban, sinunggaban ko agad ang kalaban at pinuluputan ito gamit ang aking paa at kamay ko na naka pulupot din sa kanyang leeg.

"Give up!!"

Sigaw ng aking katunggali habang hinahampas ang kanyang palad sa sahig, agad ko naman syang binitawan nung sandaling sumuko sya.

"Winner, BLUE!!!"

Sobrang saya ko ng ako ang manalo sa Athletic tournament na to at sa wakas ay makukuha ko na din ang medal na matagal ko ng inaasam.

"Frankwin, ang galing mo!!"

Sigaw ni Nikko mula sa malayo, agad namang sinuot sa leeg ko ang gold medal na matagal ko ng pinapangarap.
Hindi lang doon nag tatapos ang lahat dahil naging first runner up din ako sa battle.
Nakatayo ako sa stage habang hawak hawak ang medal na napanalunan ko, pinapakita ko kay Nikko ang tagumpay ko ng dahil sa kanya.

"Congrats pare, you won!"

Bungad na pagkasabi sakin ni Jerome kasama si Nikko, kinamayan agad ako ni Jerome ng makalapit sya sakin.

"Syempre matindi yung inspiration ko pre eh"

Sagot ko kay Jerome sabay tingin kay Nikko, napatingin naman din sakin si Jerome na parang alam nya na ang gusto kong iparating kay Nikko.

"B-Bakit naman kayo nakatingin sakin ng ganyan hehe"

"Hindi pa ba halata Nikko, isa ka sa mga inspiration nitong kaibigan ko hehe kung tutuusin nga may gustong sabihin tong si Frankwin sayo"

"Huh? Ano naman yon?"

"Sabihin mo na Frank!"

Tinulak ako ng mahina ni Jerome palapit kay Nikko, napatingin nalang ako sa kanya nung mga oras na gawin nya ito sakin dahil sa sobrang kaba.

"U-uhmm ano kasi Nikko... Uhmm... Tama nga si Jerome, isa ka nga sa mga inspiration ko kaya ginalingan ko talaga sa laban ko kaya uhmmm kaya gusto ko sanang ibigay sayo tong gold medal na nakuha ko"

Napalingon ako kay Jerome habang inaabot kay Nikko ang gold medal, nakita ko naman sa reaction ni Jerome na nadismaya sya sa sinabi ko kay Nikko.

"Talaga? Nako, pangarap mong makuha yan diba? Bakit mo binibigay sakin to?"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon