CHAPTER 46

71 3 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 46
#ALTRSylvesterEvilPlan

Sylvester Luzano POV:

"Hayop ka Yulo!!"

Napasigaw ako dahil sa galit ng linlangin ako ni Yulo, ngayong araw sana kami mag kikita ngunit hindi sya sumipot sa halip ay nag iwan lang sya ng bag na nag lalaman ng pekeng pera.
Hindi ko akalaing magagawa din ni Yulo na makipag laro sakin ng ganto, pwes ibibigay ko ang larong gusto nya na hinding hindi nya makakalimutan.

"Boss, kumalma kayo! Baka atakihin kayo ng sakit nyo"

Habang pinapakalma ako ng tauhan kong si Travino ay hindi ko parin maiwasang hindi magalit dahil sa ginawa ni Yulo.

"Mag pakalma muna kayo Boss, wag kayong masyadong magalit at baka sumumpong ang high blood nyo"

"Hayop talaga tong Yulo na to, hindi ko akalaing gagawin nya sakin to! May pagka tuso din pala ang batang yon!"

"Boss, nag tataka lang ako... Alam naman nating dalawa na baguhan lang si Yulo sa gantong klasing laban diba? Napapaisip lang ako Boss kung paano nya naisip ang ganong gumik, hindi kaya may nag turo sa kanya?"

"Malamang... Siguro nga may nag turo sa gunggong na yun kaya ang lakas lakas ng loob ng lalaking yon!"

"Pero sino naman kayang nag turo kay Yulo, Boss?"

Napatingin ako mula sa malayo at napaisip kung sino ang nag tuturo kay Yulo upang maging tuso kagaya ko, wala nakong ibang naiisip pang iba ngayon kundi ang dati kong tauhan na si Abner.
Ang taksil at walang utang na loob kong tauhan.

"Marahil si Abner ang nag tuturo kay Yulo, talagang kinakalaban tayo ni Abner!"

"Hala! Oo nga Boss, baka nga si Abner ang nag tuturo kay Yulo!"

"Nag kamali akong binuhos ko lahat ng tiwala ko kay Abner, di ko akalaing tataksilin nya din pala ako!"

"Kayo kasi Boss eh, pwede naman ako ang pagkatiwalaan nyo eh mas pinili nyo pa yang Abner na yan"

"Tumahimik ka!! Minsan mo na din akong tinaksil kaya't hindi mo ako masisisi kung hindi na kita pinag kakatiwalaan!"

"Dahil lang yon sa pera Boss, pero yung sabihin mong binaliktad kita at kumampi ako sa kalaban ay hindi ko magagawa sayo yan Boss! Mukha man akong pera pero loyal ako sayo Boss!"

"Hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan, tapos na yun! Tsaka isa pa ang problema natin ngayon ay si Abner, kaya dapat mahanap na natin ang lungga ng hayop na yun!"

"Wag ka mag alala Boss, kung gusto mo tawagan muna natin si Abner! Sindakin natin sa takot hanggang sa sya na mismo ang sumuko sating dalawa!"

May sense din ang mga sinasabi nito ni Travino kaya't nag madali akong kunin ang cellphone ko at tinawagan agad si Abner, ngayon ko ipapakita kay Abner kung gaano ka bagsik ang hayop na kinalaban nya.

[PHONE CALL CONVERSATION]

"Hello, sino to?"

"Abner, long time no talk! Kamusta ka na?"

"S-Sylvester?! Ikaw ba to??!"

"Kamusta ka na Abner? Nakakatulog ka pa ba ng maayos pag katapos mo akong pagtaksilan ha? Enjoyin mo na yang masasayang araw mo dahil bukas na bukas malalasap mo ang galit ko!"

"Sinabi ko naman sayong ayoko na Sylvester! Nag bago nako at ayoko ng maging parte pa ng grupo mo!"

"Oh edi sinabi mo dapat ng maayos, hindi yung malalaman kong tinutulungan mo si Yulo para mapabagsak ako!"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon