CHAPTER 6

226 12 1
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 6
#ALTRMrWalangShort

Yuno Luciano POV:

"Waaaaaah!!! Anong ginagawa mo dito?!"

Bigla akong napatalon sa kama dahil nakita kong nakayakap si Nikko sakin habang natutulog, nagising akong walang damit pang itaas at nakabalot ng kumot habang nakayakap sya sakin.
Nagulat ako ng makita ko si Nikko na nakahiga sa tabi ko, hindi ko alam kung paano sya natulog dito mismo sa loob ng kwarto ko.
Wala na din akong naaalala sa mga nangyari kagabi dahil sa sobrang kalasingan, ang tanging naalala ko nalang ay kasama ko si Nikko na nag sasaya sa Karaoke bar

"Bakit ba sumisigaw ka dyan ha Yuno?!"

"B-Bakit ka nasa tabi ko?! Ba-Bakit ako walang damit pang itaas?! A-Anong ginawa mo sakin Nikko?! Ha!"

"Baliw kana talaga eh no? Wala ka bang naaalala kagabi ha?"

"B-Bakit, ano bang nangyari kagabi ha?"

"Ahhh gusto mo bang ipaalala ko sayo lahat?"

(REPLAY LAST NIGHT)

"Nikko! Nasusuka nako!! Aaaahhh!"

"Tigilan mo nga ako!! Wag mokong sukahan bwiset ka talaga Yuno!!"

Hindi ko naiwasang sumuka sa damit ko mismo nung mga oras na yon, napilitan tuloy si Nikko na hubaran ako ng damit para mapalitan ito ng malinis.
Pinunasan ni Nikko ang katawan ko ng basang towel pero hindi ako mapakali kaya hindi nya ako napunasan ng maayos hanggang sa makatulog kaming dalawa.

(END OF REPLAY)

"At yun nga ang nangyari! Kapal mo naman no, as if naman may gagawin ako sayo"

"S-Sigurado ka ha?!"

"Hoy! Nasa itsura ko ba ang sinungaling?"

"Naninigurado lang no, malay ko ba kung may pag nanasa ka sakin"

"Ang kapal mo naman pala Mr Yuno Luciano!"

Hindi ko na talaga maalala pa ang mga nangyari saming dalawa ni Nikko kagabi, kahit pilit kong alalahanin hindi ko na talaga magawa pa.
Nahihiya tuloy ako kay Nikko dahil sa mga pinag gagagawa ko sa kanya nung mga oras na nalasing ako, halos wala nakong mukhang maiharap sa kanya ngayon.
Ilang saglit lang at biglang may nag bukas ng pinto, biglang sumilip si Lola at inalok kaming mag almusal.

"Tamang tama, gising na pala kayong dalawa... Halina kayo, Yuno at Nikko! Bumaba na kayo para makapag almusal na tayo"

"Ay hindi na ho Lola, aalis na din ho ako eh"

"Ay ganon ba Nikko, sayang naman at pinag handa kita ng almusal sa baba"

"Hmm... Sige po Lola, hindi nalang po muna ako aalis"

"Salamat naman Nikko, halika na at mag almusal na tayo sa baba!"

Hindi na kami nag tagal ni Nikko sa kwarto at bumaba na din kami sa kusina para mag almusal, tinititigan ako ni Nikko ng masama dahil sa mga ginawa ko sa kanya nung mga oras na nalasing ako.
Halos hindi ako makatingin ng diretso kay Nikko dahil sa sobrang hiya, parang gusto ko nalang mawala na parang bula.

"Umupo na kayo, Yuno at Nikko"

"Lola, nasaan sina Mama?"

"Ah, umalis yung Mama mo Yuno... Pupuntahan ata yung kapatid mo"

"Huh? Eh diba nag usap na kami na wag muna syang pupunta kay Yulo? Baka pag salitaan lang sya ni Yulo"

"Hindi naman siguro apo, hayaan nalang muna natin para makapag usap silang dalawa ng ina mo"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon