CHAPTER 14

115 8 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 14
#ALTRLoveOfWar

Yulo Luciano POV:

"Mukha atang nakakaistorbo ako"

Nagulat kaming dalawa ni Nikko nang maabutan kami ng kakambal kong si Yuno sa loob ng office ko na magkayakap, alam kong gusto ni Yuno si Nikko kaya't sigurado akong igagalit nya itong nakita nya.
Mas lalo ako ngayong mahihirapan na mapalapit sa kapatid kong si Yuno, hindi ko na din alam ang gagawin ko.
I think I'm losing my self, I can't handle this kindi of situation.

"Y-Yuno, nandyan ka pala"

Hindi na'ko inimikan pa ni Yuno nung makita nya kaming magkayakap ni Nikko sa halip ay tumalikod ito at umalis, agad ko namang sinundan si Yuno.

"Yuno, mali ang iniisip mo!"

"Lahat nalang ba Yulo, lahat nalang ba ng bagay makikipag kumpitensya ka sakin?!"

"Wala kaming ginagawang masama ni Nikko, Yuno!"

"Wala? Oo sa isip ni Nikko wala kayong ginagawang masama pero sa isip mo meron! You taking this opportunity para makalapit kay Nikko kahit naman alam mo ng gusto ko sya!"

"Hindi naman sa ganon, Yuno... Please, makinig ka muna sakin oh"

"Wala nakong pakealam pa sa sasabihin mo, pero isa lang ang masisigurado ko sayo Yuno na hinding hindi ka mauuna sa puso ni Nikko!"

Biglang umalis si Yuno na galit na galit, halos hindi ako makahinga sa mga binibitawan nyang mga salita.
Siguro nga hindi nako matatanggap pa ng kapatid ko, gusto ko na sana mag kaayos kami pero there's no chance para doon.
Palagi akong gumagawa ng paraan to make him comfortable kapag kasama ako pero palagi syang umuiiwas, hindi ko na alam pa ang gagawin ko mas mabuti nalang siguro na sundin ko nalang ang gusto nya.

"What? Nakita kayo ni Yuno?"

"Oo Zian, I can't handle this thing... Ayoko ng mag away pa kami ni Yuno"

"Eh bakit ba nagagalit yang kapatid mong yan? Alam mo, ginawa mo na ang lahat para magkaayos kayo pero he keep refusing you!"

"Masama ba akong kapatid, Zian?"

"To tell you the truth, no! Hindi ka masamang kapatid Yuno, in fact napakabait pa at protective ka nga... Hindi lang nila napapansin yun dahil sa galit nila sayo... Ako, we've been friends since childhood at hindi kana din malayo sakin... Tinuring na kita bilang kapatid ko and for my experience, napakabait mo!"

"Sana ganyan din yung pananaw ni Yuno, Zian... Sana matanggap pa nya ako bilang kapatid"

"Wag kang mawalan ng pag asa, matatanggap ka din ng kakambal mo"

Mabuti nalang at meron akong kaibigan na palaging nandyan para sakin, sa tuwing hindi ko maintindihan ang sarili ko sya ang umiintindi sa akin.
Sobrang swerte ko dahil meron akong kaibigang katulad ni Zian na handang damayan ako pag dating sa kalungkutan.

"Sir Yulo..."

"Oh Nikko, nandyan ka pala"

"Okay ka lang ba? Kanina pa kasi kitang pinag mamasdan habang nakatulala ka dyan sa coffee mo... May problema po ba?"

"Wala naman Nikko..."

Hindi ko na alam kung dapat ko pa bang ituloy tong nararamdaman ko para kay Nikko, hindi pa naman ganon kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya but I can't change the fact na may feelings parin ako sa kanya.

"Pwede mo namang sabihin sakin yan eh, hindi mo lang naman ako katrabaho pwede mo din akong gawing kaibigan na mapag sasabihan mo ng problema mo"

"It's too difficult for me Nikko, hindi mo rin naman maintindihan"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon