CHAPTER 23

83 4 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 23
#ALTRRejection

Nikko Alejo POV:

"What? Gusto kang makausap ni sir Yuno? Anong dahilan daw?"

Tanong sakit ni Maricris habang nag pupunas kaming dalawa ng table, naikwento ko lahat kay Maricris since compostable naman na ako sa kanya dahil naging mabuting kaibigan din naman sya sakin.
Nasabi ko din sa kanya na gustong makipag usap sakin ni Yuno privately, naguguluhan din ako kung pupunta ba ako sa sinabi nyang lugar kaya sinabi ko kay Maricris para hingiin din yung advise nya.

"Nako friend ah, something fishy naman dyan sa inyong dalawa ni sir Yulo, ano ba kayo?"

"Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Nako Nikko, alam mo naman kung anong tinatanong ko sayo... Oh sige, ito ha kayo na ba ng papa Yuno na yan ha?"

"H-Ha? Hindi ah! Hindi kami si Yuno"

"Eh bakit nag de-demand ng ganyan sayo si sir Yuno? Sabihin mo nga sakin friendship, nanliligaw ba sayo si sir Yuno?"

"Hindi ah!"

"Weh? Kaya pala may naririnig ako na palagi ka daw binabaunan ng pagkain ni sir Yuno!"

"Hay nako naki chismis ka nanaman Maricris, kung meron kaming dalawa edi sana sinabi ko na sayo... Syempre kung magiging kami ni Yuno mga close friends ko muna dapat ang makakaalam bago yung mga chismosa dyan"

"You mean may pag asa sya sayo?"

"Hindi naman sa ganon"

"Edi wala pala syang pag asa?"

"Hindi ah!"

"Oh ano ba talaga Nikko? Ay nako friendship ang gulo gulo mo talaga!"

Nag tatawanan kaming dalawa ni Maricris habang nag pupunas ng mga table sa production, habang masaya kaming nag kukwentuhan ay bigla kaming may natanaw na lalaking papunta saming dalawa.
Tinitigan ko ang lalaking paparating at laking gulat ko na si Yulo pala ito na may dala dalang isang box ng doughnut.

"Kumain na ba kayo?"

Nakangiting tanong ni Yulo ng makarating sya sa harap naming dalawa, mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa napaka gandang ngiti ni Yulo.

"Ay hindi pa nga sir eh hehe sa amin ba yang mga doughnuts na yan sir?"

Pabirong tanong ni Maricris habang patuloy parin kaming nag pupunas ng table, maya maya at ipinatong na nga ni Yulo ang mga doughnuts sa lamesa.

"Oo, I buy it just for the both of you... Kain muna kayo"

"Ay kaso Yulo hindi pa kami tapos sa ginagawa namin at tsaka hindi pa naman namin breaktime"

"I'm the boss here Nikko, if I say eat kakain kayo okay? Sige na buksan nyo na yan para makakain na kayo"

"Pero- -"

"Sige na Nikko kumain kana, ayaw mo ba yung mga doughnuts na dala ko?"

"Hindi naman, uhmm sige kakain na kami"

Hindi na nga ako nakatanggi pa sa pag alok samin ni Yulo at pinag saluhan na nga namin ang dala nyang doughnuts, masaya naman kaming tatlo na nag uusap habang kumakain hanggang sa ma banggit nga ni Maricris na gusto akong makausap ni Yuno mamayang pag out namin sa duty.

"What? Bakit ka naman gustong kausapin ni Yuno, Nikko?"

Nag tatakang tanong ni Yulo, hindi man nya sabihin ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata na interesado syang malaman ang dahilan.

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon