CHAPTER 27

65 2 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 27
#ALTRMeetFrankwin

Frankwin Bisnar POV:

"Sir Frank, may iaabot lang po ako sa inyo!"

Mahinhin na pagkasabi sakin ng aking secretary na si Elaine pag katapos nitong kumatok sa office ko, agad ko namang syang pinapasok sa loob upang makita ang dala nyang mga papeles.

"Sir Frank, ito na po yung mga ni-request ni sir Yulo na papeles na need mo daw pong pirmahan agad"

Pahabol na pagkasabi ni Elaine, hindi naman ako nag dalawang isip na pirmahan ang mga papeles na yun dahil ang mga papeles na yun ay isang contrata patunay na nag renew ako ng contract bilang isang share holders sa company ni Yulo.

"Thank you sir!"

Sabi ni Elaine sabay labas sa office ko ng nakangiti, medyo matagal na din akong share holders dito sa company ni Yulo.
I've been a share holders here five years ago, ako ang pinaka una at galante na share holders sa company na to that's why ganon nalang ang pag aalaga ni Yulo sakin.

"Kamusta Frank?"

Bungad na pagkasabi ni Jerome pagkapasok nya sa loob ng office ko, Jerome is one of my friends since high school and until now as can you see hindi parin nabubuwag ang pag kakaibigan naming dalawa.

"Ito, okay lang... Medyo madami pang ginagawa kaya hindi pa makapag bonding sa mga kaibigan natin"

"Gusto mo ba tulungan na kita dyan, Frank?"

"Nope, hindi na... Kaya ko na to"

"Ikaw bahala, kamusta na pala kayo ni Aerin? Balita ko nag away daw kayong dalawa kagabi"

"Nag hiwalay na kami, I found out that she was cheating on me"

"What?! Paano mo naman nalaman?!"

"Nakita ko sa phone nya, there was a message from a guy na nag I love you sa kanya"

"Oh bro, sorry... Hindi ko akalaing magagawa sayo ni Aerin yan, ako pa naman nag reto sayo non... Sorry bro"

"It's okay, babae lang sya... Wala namang mawawala sakin"

"Hindi ko ine expect na mang yayari to... Hanap nalang ulit ng bago, tutal pogi ka naman eh!"

"Sira!"

Aerin is my girlfriend before, nakilala ko sya dahil kay Jerome.
Mabait naman sya at masayang kasama but I know in the end of the day hindi parin ako ang pipiliin nya, na bored sya sakin dahil work at taekwondo ang madalas kong i-priority kaya nawawalan na daw ako ng time sa kanya that's why she cheated on me.

"Gusto mo bang hanapan nalang kita ng iba? Madami akong kilalang chixx I'm sure makakapili ka Frank!"

"Nope, hindi na muna Jerome... I think Aerin's right, talagang naging busy ako sa work at taekwondo kaya siguro hindi ko nabigyan ng time ang pag mamahal nya sakin"

Ang hindi alam ni Aerin nag tatrabaho ako para sa future naming dalawa, I already buy a ring for my proposal but she choose to break up with me.
Hindi nya alam na mag po-propose nako sa kanya at hindi nya na din to kailangan malaman pa dahil wala na kami.

"Kinareer mo na kasi yang taekwondo mo... May bronze at silver medals ka naman na eh"

"Alam mo namang gold medal talaga ang pinaka gusto kong ma achieve, alam mo din namang passion ko na tong taekwondo dahil high school palang tayo ginagawa ko na to"

"Sabagay, dyan ka naman masaya kaya hindi nako kokontra pa"

I really love taekwondo, madami nakong silver at bronze medal ngunit gold medal nalang ang wala sakin.
I know mahirap makuha ang gold medal na yun but I will do my best makuha lang ang pinapangarap kong medal.

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon