CHAPTER 40

79 4 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 40
#ALTRGoodbyeFrankwin

Frankwin Bisnar POV:

Ito na ang araw ng pag alis ko, babalik nako sa US upang may makasama ang aking ina at maka move on na din sa lahat ng mga sakit na nararamdaman ko sa pinas.
But I'm thankful dahil madami akong natutunan sa pag stay ko dito, marami ding memories na mahirap alisin buhay ko.

(PHONE CALL CONVERSATION)

"Hello Mom? Paalis na po ako, by tomorrow baka nandyan nako sa US... This afternoon ang flight ko"

"Ganun ba anak? Mag iingat ka sa byahe ah?"

"Yes Mom, see you!"

(PHONE CALL CONVERSATION ENDED)

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan Frankwin?"

Tanong sakin ni Jerome, kahit ayoko mang umalis sa pinas wala naman akong magagawa pa dahil gusto ko ding magkaroon ng time sa Mom ko.
Matagal din akong nawala sa tabi nya and I know she's really excited to see me kaya't buo na ang desisyon kong umalis.

"Frankwin, mamimiss kita.."

"Ako din naman Jerome haha wag ka ngang mag inarte dyan! Para kang tanga eh haha!"

"Kasi naman, ang tagal din naman kasi nating mag kasama dito noh tapos bigla mo nalang akong iiwan Frank.. parang kapatid na ang turing ko sayo"

"Ako din naman Jerome, kapatid na din ang turing ko sayo kaya syempre malungkot din sa part ko na iwan ka pero sana maintindihan mo na kailangan kong bigyan din ng time yung Mom ko"

"Sus kunwari ka pa, alam ko naman na gusto mong maka move on kay Nikko kaya ka aalis eh!"

"Syempre isa na din yun sa mga reason ko... Mahirap mag move on kapag nakikita mo lagi yung taong mahal mo kaya naisipan kong ituloy nalang yung plano kong umalis"

"Ganun ba? Sabagay hindi rin naman kita masisisi... Teka, alam ba to ni Nikko?"

"Yun nga eh, hindi nya alam na aalis ako"

"Ano?! Bakit hindi nya alam?"

"Ayoko na sanang ipaalam pa sa kanya, ayoko kasing mag bago pa ang isip ko... Desidido nakong umalis"

Si Nikko lang kasi ang taong makakapag pabago ng desisyon ko kaya't mas minabuti kong hindi ipaalam sa kanya upang hindi nya ako mapigilan, desidido na kasi akong umalis para na din hindi nako makagulo pa sa buhay ni Nikko.

"Frank!"

Nagulat kaming dalawa ni Jerome ng biglang pumasok si Yuno sa loob ng office ko.

"Frank, tuloy na ba talaga ang pag alis mo? Sigurado ka bang hindi kana mag papaalam pa kay Nikko?"

Tanong sakin ni Yuno, wala na din sigurong dahilan pa para ipaalam kay Nikko na aalis nako at isa pa ayoko na ding maka istorbo pa sa kanya.

"Hindi na Yuno, okay na din yun na hindi nya alam"

"Frank, alam kong malulungkot si Nikko kapag iniwan mo sya ng wala syang paalam"

"Hmm alam ko din naman yun, isa pa ayoko na ding mabago pa ang isip ko kapag pinigilan ako ni Nikko"

"Hmm Frank naman"

"Yuno, alagaan mo nalang si Nikko para sakin... Ingatan mo sya ah? Wag mong hahayaan na masaktan sya... May tiwala ako sayo Yuno!"

"Oo, asahan mo yan Frank!"

"Ah, sya nga pala! Ito, ibigay mo to sa kapatid mong si Yulo"

"Ano to?"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon