CHAPTER 35

53 1 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 35
#ALTRFrankToTheRescue

Nikko Alejo POV:

Maagang natapos ang trabaho naming dalawa ni Maricris ngayong araw kaya't napag desisyunan naming mag pahinga nalang muna sa isang tabi dahil sa pagod na nararamdaman namin sa mga oras na to, ngayon ay mag kasama kaming dalawa ni Maricris na nag uusap habang kumakain ng snacks.

"Hindi ba tayo mahuhuli dito? Baka naman mapagalitan tayo ni ma'am Ethyl nyan?"

Tanong ko kay Maricris, nangangamba akong baka makita kami ng supervisor naming si Ethyl na nag papahinga sa tabi.

"Alam mo namang masungit yun si ma'am Maricris, baka mayari tayo don"

"Hindi yan Nikko, ikaw naman masyado ka namang kinakabahan.. isa pa tapos naman na ang trabaho natin at wala din namang masama mag pahinga no lalo na pag pagod"

"Sabagay, natatakot lang naman ako mapagalitan"

"Nako, akong bahala sayo Nikko! Donchawori!"

Pabirong pagkasabi ni Maricris, naging kampante naman din ako dahil alam kong hindi rin naman ako papabayaan ni Mari kaya't sumabay na lamang ako sa gusto nya.

"So kwentuhan mo naman ako about sa mga admirer mo! Kaloka ka Nikko ah, ako na girl walang nag kakagusto sakin tapos ikaw dami dami mong admirer! Kainggit ka!"

"Haha sira ka talaga!"

"Pero kainggit ka, alam mo nafe-feel kong type ka ni sir Frankwin!"

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"Nako naman Nikko, wag kana mag maang maangan pa dyan! Alam ko naman na nafe feel mo din na gusto ka ni sir Frank!"

"Ano ka ba Mari, kaibigan lang naman ang turing sakin non... Tsaka ganun siguro yun, masyado lang malambing"

"Ang hina naman ng radar mo Nikko, halatang halata naman na type ka ni Frank... Hindi mo ba talaga napapansin?"

"Ikaw lang naman ang nag bibigay ng kahulugan non"

"Ay nako, basta ako feel na feel ko talagang gusto ka ni Frank!"

"Sige ipag pilitan mo"

"Oo nga! Gusto ka naman talaga ni sir Frankwin!"

"Sssh wag ka nga maingay dyan! Baka may makarinig sayo!"

"Eh bakit totoo naman ah? Gusto ka naman talaga ni sir Frank!"

Habang nag uusap kaming dalawa ni Maricris ay hindi namin namamalayan na nandyan na pala si Maggie.
Naka hawak ito sa mag mag kabilang baiwang at natakaas ang isang kilay habang nakatingin sya saming dalawa ni Maricris.

"Hindi ka lang pala malandi, sobrang kati mo rin pala dahil pati si Frankwin na share holders ng company na to nilalandi mo!"

Pang iinsulto ni Maggie habang nakataas ang kang isang kilay, hindi naman kami makapag salita ni Maricris sapagkat ginagalang parin namin sya bilang isa sa mga boss ng kumpanyang ito.

"Oh bakit hindi ka makapag salita ha Nikko? Natatamaan ka ba sa mga sinasabi ko? Totoo naman kasi diba? Isang malanding bakla na nag hahangad ng lalaking mag mamahal sayo! Ambisyosa!"

"Ma'am grabe naman ho kayo sa mga sinasabi nyo sakin, hindi naman po totoo yang mga sinasabi nyo!"

"Anong hindi? Rinig na rinig ko Nikko dyan sa kasama mong babaeng yan na nag a-assume ka na gusto ka ni Frankwin!"

"Bawiin mo yang sinasabi mo! Alam mong hindi yan totoo Maggie!"

"Anong hindi totoo? Eh halatang halata naman na nilalandi mo yung tatlo!"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon