CHAPTER 34

63 2 0
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 34
#ALTRSelos

Yuno Luciano POV:

"Bro, bakit parang tulala ka dyan ha?"

Tanong ni Alfred, naabutan nya akong nakatingin lang sa monitor ang aking computer habang nakasalumbaba.
Hindi kasi mawala sa isip ko ang napag usapan naming dalawa ni Nikko nung kumakailan lang, minsan gusto ko ng sumuko at itigil na ang isiksik yung sarili ko sa buhay ni Nikko pero hindi ko kaya.
Hindi ko kayang mawala si Nikko sakin kaya gagawin ko ang lahat wag lang sya mawala sa buhay ko.

"Hay nako, alam ko na kung bakit ka tulala dyan... Si Nikko nanaman ang dahilan no?"

Sabi ni Alfred, nanatili naman akong nakatulala sa monitor at para bang wala akong naririnig sa mga sinasabi ni Alfred sakin.

"Nako naman Yuno! Hanggang ngayon ba nakikilag laban ka parin sa gyera? Ipaubaya mo na kaya yan si Nikko para naman hindi ka nalulungkot ng ganyan!"

"Sana nga ganon nalang ka dali"

"Alam mo, oo mahirap sa umpisa pero habang tumatagal unti unting mawawala ang feelings mo dyan kay Nikko!"

"Paano naman ha?"

"Yuno, gwapo ka... Matalino... May pera ka... Maganda ang katawan mo at higit sa lahat ikaw yung tipo ng lalaki na sa unang tingin at mukhang hindi nasi ZERO!"

"Alam mo siraulo ka"

"Hindi nga, nag sasabi nga ako ng totoo! Yun kaya ang first impression ko sayo... Sa pogi mo ba namang yan susme walang babae at gay ang hindi mag kakagusto sayo!"

"Pero ang hirap kalimutan si Nikko, sinubukan ko na yan dati pero hindi naman nawala si Nikko sa puso't isip ko"

"Gusto mo ba? Halika, punta tayo sa restobar! Gusto mo ba? Mang chichicks tayo don!"

"Tigilan mo nga ako"

Tumayo ako at iniwan si Alfred, hindi ko lang matagalan ang mga sinsabi nya sakin dahil puro kalokohan lamang ang mga yon.

"Hays nakakainis naman"

Bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad sa hallway papuntang coffee area ng company, habang nag lalakad ako ay bigla kong nasalubong si Nikko.

"Si Nikko ba yun?"

Tanong ko sa sarili ko, agad naman akong tumakbo upang malapitan sya at makausap.

"Nikko, kamusta ka?"

"Yuno... A-Anong ginagawa mo dito?"

"Ah pupunta lang sana ako dito sa coffee area, mag kakape lang para mahimasmasan"

"Ganun ba? Sige maiwan na kita"

Aalis nanm sana si Nikko ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang braso upang pigilan sya sa pag alis, napalingon naman sya sakin nung oras na gawin ko ito.

"Teka lang Nikko, bakit parang malungkot ka ngayon?"

"Hmm pasensya kana Yuno, wala kasi ako sa mood ngayon"

"Teka, parang namumutla ka ata"

"Sige na Yuno, aalis nako"

"Saglit!"

Pinigilan ko muli si Nikko sa pag alis at hinipo ang kanyang leeg, tama nga ang hinala ko na may lagnat sya.
Hindi nanaman gaanong kataas ang lagnat nya pero kailangan parin itong ipahinga upang bumuti ang lagay nya.

"May lagnat ka ha?"

"Wag mokong alalahanin Yuno, ayos lang naman ako at kaya ko naman ang sarili ko"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon