CHAPTER 47

71 3 1
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 47
#ALTRNikkoGetsKidnapped

Yulo Luciano POV:

"Yulo, si Nikko nawawala!!"

Sigaw ni Zian nung pumasok sya sa loob ng aking opisina na humahangos dulot ng kanyang pag mamadali, nagulat ako sa balitang inihatid ni Zian sakin at tila ba hindi ako makapag salita dahil sa aking narinig.

"Ano?! Nawawala si Nikko?!"

Gulat kong pagkasabi kay Zian, hindi ko maintindihan kung paano nangyari ito ngunit isa lang ang naiisip ko kung sinong salarin sa likod ng pagkawa ni Nikko.

"Oo Yulo, ilang araw na daw hindi umuuwi si Nikko sabi ng tatay nyang si Abner! Hinahanp na daw sya sa lahat ng malalapit na kaibigan ni Nikko pero wala daw si Nikko doon!"

"Paanong nangyari to?"

"Yulo, hindi kaya may kinalaman si Sylvester dito?"

"Yan nga rin ang kutob ko Zian, baka nga kagagawan nanaman ito ni Sylvester!"

"Nako, baka kung anong gawin nya kay Nikko kung sakaling si Sylvester nga ang may pakana ng lahat ng ito!"

"Napakademonyo talaga ng taong yan! Talagang gagawa at gagawa talaga sya ng paraan para lang makuha ang gusto nya!"

"Paano na to Yulo? Paano natin maliligtas si Nikko kung sakaling si Sylvester nga ang may gawa nito?"

"Kilala ko si Sylvester, kung sya ang may gawa nito sigurado akong gagawa ng paraan yun para ihatid satin ang impormasyon na nasa kamay nya si Nikko!"

"Sabagay, may punto ka... Pero anong gagawin na natin ngayon Yulo?"

"Mag hihintay tayo ng tawag ng taong yan! Pero hangga't hindi pa tayo nakakasiguro na sya nga ang kumidnap kay Nikko, ireport muna natin sa mga pulis ang pagkawala ni Nikko ngayon!"

Agad kaming nag tungo sa pulisya upang iparating sa kanila ang pagkawala ni Nikko Alejo at para na din maaksyunan nila ito ng mabilis, pagdating naman namin doon ay naabutan namin ang ama't ina ni Nikko na kausap ang isa sa mga pulis.

"Gawin nyo ho ang lahat upang mahanap ang anak ko sir!"

Pag mamakaawa ng ina ni Nikko sa pulis na kanyang kausap, bakas sa mukha ng kanyang ina ang pag aalala at takot sa pagkawala ng kanyang anak habang ang ama naman ni Nikko ay hindi mapakali dahil sa nangyayari.

"Yulo!"

Sabi ng ama ni Nikko, natuwa ang kanyang ama ng makita ako mismo sa pulisya at agad nya din akong nilapitan upang makausap.

"Yulo, nawawala si Nikko! Ilang araw na syang hindi umuuwi, nag aalala na ako sa anak ko!"

"Nabalitaan ko din po ang nangyari kay Nikko, meron na po bang balita sa kanya?"

"Ang totoo nyan wala pang balita tungkol sa kanya pero gumagawa na ng paraan ang mga pulis upang makita sya"

"Mabuti naman ho kung ganon"

"Anong sadya mo dito Yulo?"

"Irereport ko din ho sana ang pagkawala ni Nikko dito sa police station pero mukha ho atang nauna na ho kayo"

"Hindi na kasi ako mapakali sa pagkawala ni Nikko, hindi naman gaanong bata si Nikko na hindi uuwi ng ilang araw at hindi mag sasabi na kung saan sya pumupunta"

"May kakaibang kutob din ho kasi ako"

"A-Anong kutob mo Nikko?"

"May kutob po kasi akong si Sylvester ang nasa likod ng pagkawala ni Nikko"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon