CHAPTER 36

60 3 2
                                    

Title: A Love To Remember
Genre: Drama/Romance
(BL Matured Content R-PG)

CHAPTER: 36
#ALTR1PoinForFrankwin

Yuno Luciano POV:

I was walking down the street papunta sa company kung saan ako nag tatrabaho when i saw Nikko sa loob ng isang fast food na kasama si Frankwin, nagulat ako ng makita ko silang mag kasama.
Nakita kong nag nag tatawanan sila habang dinudungaw ko silang dalawa mula sa glass wall ng fast food kung saan sila kumakain.

"Hindi pwede to!"

Madiin kong pagkasabi, aaminin ko na nag seselos ako kapag nakikita kong kasama ni Nikko si Frankwin.

"Bwisit talaga tong Frankwin na to, kunwari pa eh halata namang gusto nya si Nikko!"

Bulong ko sa aking sarili, hindi nako nag dalawang isip pa at agad ko ng pinasok ang fast food kung saan kumakain si Nikko at Frankwin.
Nang itutulak ko na ang glass door, mag biglang humawak sa aking braso.

"Sir Yuno!"

Ang taong humawak pala sakin ay si Maricris na kaibigan ni Nikko, hinawakan ny ang braso ko nung ako'y papasok palang sa loob Ng fast food na tila ba pinipigilan ako.

"Sir Yuno, wag na po muna kayong pumasok"

Pakiusap sakin ni Maricris, naging katanungan sa aking isip kung bakit ayaw akong papasukin ni Maricris.

"Sir Yuno, please wag nyo nalang ho muna puntahan si Nikko... Alam ko kung bakit gusto nyo pumasok sa loob, alam kong si Nikko ang pupuntahan nyo"

"Bakit ano bang problema sa gagawin ko Maricris?"

"Eh kasi sir...."

"Ano? Sabihin mo!"

"Eh kasi sir, malungkot po kasi ngayon ang kaibigan ko... Hayaan nalang po muna natin na sumaya sya ngayon"

"Ganun naman pala eh... Edi pupunta nalang ako doon para pasayahin sya!"

"Sir please, makinig po muna kayo sakin!"

"Ano ba Maricris?! Hindi ko hahayaan na si Frank ang mag pasaya sa kanya!"

"Sir please makinig po muna kayo, wag muna ho kayong pumunta kay Nikko!"

"Ano ba kasi ang problema ha Maricris?! Kanina pako tanong ng tanong hindi mo manlang sinasabi sakin!"

Napayuko si Maricris dahil sa pag taas ng aking boses, ilang sigundo din syang nanahimik bago nya sagutin ang mga katanungan ko sa kanya.

"Sir kasi po pinagalitan kasi sya ni sir Yulo"

"Ano?! Nagawa ni Yulo kay Nikko yun?!"

Nanlaki ang mata ko ng malaman ko na ang dahilan ng pagiging malungkot ni Nikko ngayon ay ang kakambal kong si Yulo, halos hindi ako makapaniwalang nagagawa ni Yulo kay Nikko yun dahil ang buong akala ko ay hindi nya kayang saktan si Nikko.

"Paano naman nagawa ni Yulo kay Nikko yun ah?"

"Eh kasi po... Kasi po sir si ano po kasi-"

"Sino? Sabihin mo sakin Maricris kung anong dahilan kung bakit nagawa ni Yulo kay Nikko yun?!"

"Dahil po kasi kay ma'am Maggie, sya po ang dahilan... Nilait lait po kasi ni Maggie si Nikko kaya hindi napigilan ni Nikko na itulak si ma'am Maggie... Tapos nag kunwari pong napilayan si ma'am Maggie at pinalabas nya po na si Nikko ang masama"

"Ano namang ginawa ni Yulo?"

"Yun nga po, nagalit sya kay Nikko at kinampihan nya po si ma'am Maggie nung time na yon, ito naman pong kaibigan kong si Nikko akala nya sya ang kakampihan ni Yulo kaya medyo disappointed ang kaibigan ko"

A Love To Remember [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon