HUNTER
"We never know what will happen next,mag hihintay lang ba tayo rito?" reklamong tanong ni Uno habang nililinis ang mga baril na nakalatag sa lamesa.
He's busy with his firearms, his toys and his business.
Bukod sa mga baril ay may ilan ding granada, ilang imbentong laruan niya na akala mo'y binuhay niya ang imahinasyon mula sa mga napapanood na anime.
"Ako nagugutom," nabubulunang sabi ni Rian at isinubo ng buo ang tinapay na may palamang ice cream.
Tss! Gutom ba siya? Parang wala na siyang ibang ginawa kundi kumain na lang kumain.
Sa tuwing naabutan ko sila rito, nag kalat ang mga pinagkainan niya at para siyang baboy na nakahiga sa may sofa.
"Gutom o patay gutom? Pahingi naman ako," nakangusong sabi ni Uno pero sinampal lang siya ni Rian.
"Bumili ka ng sarili mo. Ang barat barat mo, kaya walang may gusto diyan sa burat mong kasing kunat mo."
"Hoy fresh 'to noh! Nag PH care kaya ako kanina--- yung kulay pink pa." sabay irap ni Uno at ismid na na nag patuloy sa pag lilinis ng mga laruan niya.
At kahit kailan di talaga sila nakakatuwang pag masdan o pakinggan.
Puro walang kwenta ang mga pinag uusapan.
"Drake nalulungkot ako, sayaw ka nga."
"R-Rian, p-pagod na ako k-kaka---"
"Sasayaw ka o sa kalsada ka matutulog mamaya? Mamili ka Montemayor!" sigaw niya kay Drake na napahimas pa sa batok at pigil na humahagikgik si Uno.
"I-Ito na, sasayaw na." nanginginig ang boses ni Drake na tumayo.
"Ako! Ako! Ako na kakanta para sa'yo." pumapalakpak na sabi ni Uno at nag taas pa siya ng kamay na akala mo'y pabibo sa eskwela.
Umirap si Drake at humagikgik si Rian, kumakawag pa ang mga paa niya sa tuwa habang nakahawak sa tiyan niyang yumuyugyog na sa sobrang laki.
Tss! Kailan kaya manganganak ang isang 'to ng mabawasan ang pagiging sakit niya sa ulo, palagi na lang silang ma ingay ni Uno.
Para sana mapakinabangan naman siya.
"Ahem! Game na," tikhim na sabi ni Uno pero mas lamang ang pag pipigila niya ng tawa.
Nag simulang maging seryoso si Rian at Uno habang naging simangot si Drake.
Napasandal pa ako sa pader para panoorin kung anong ka-gaguhan na naman ang gagawin nila.
"In... three, two, and one..."
"Sayaw kikay, sayaw kikay. La la la la la, la la la la la... Mag hilig mag pa-cute ay! kikay!"
Sabay kendeng ng matigas na katawan ni Drake at may patalon talon pa siya habang humahampas ang pwetan sa mag kabilang gilid.
Simangot ang mukha pero pilit na ngumiti dun sa part na mahilig mag pa-cute.
Tuwang tuwa naman si Rian na pumapalakpak at hagikgik na kumakanta si Uno.
"Tss, sagwa." hindi ko maiwasang mag salita at nag sindi ng sigarilyo.
Bahagya pang nanginginig ang kamay ko.
"Mata!"
"Hunter?"
"Hunter me labs!" sabay sabay nilang sigaw at nag angat ako ng tingin.
Akala ko'y una akong sasalubungin ng dalawang uto pero mas mabilis ang karipas ni Drake at nagmamaka-awa ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...