CELESTE
I've encrypted all the data necessary to monitor Shiva's illegal dealings with Mr. Smith. All I have to do is relaying that message to Hunter, yet I'm trapped in Shiva's eyes.
She keeps eyeing me for the past few days. She stealthily observes my situation, and I claim to be well ahead of her. However, I can't make a narrow escape into her penetrating gaze, and I hate how she drew her attention to my sick situation. She didn't speak a single word, but her eyes tell everything that she got a hint of life inside my womb.
And worst is that I can't control the changes in my body, the routine and morning sickness that I couldn't uphold for so long.
Halos bumaliktad na ang sikmura ko sa pag duwal pero kahit anong pilit ko ay wala naman lumalabas. Nahihilo ako na nag hilamos at inayos ang sarili. Kailangan ko gumayak ng maaga dahil may lakad ngayon si Shiva para sa transaksyon niya kay Mr. Smith.
Agad kong kinuha ang mga damit ko at natigilan na humarap sa salamin. Kumurap kurap ako at pumustura pag masdan ang sariling tiyan.
Hindi naman lumalaki, maliit pa rin at patag. hindi ko pa kailangan gumamit ng girdle para itago ang tiyan ko kaya mas pinili ko na ilagay ang vest para protekatahan ang buhay sa loob.
Ngumiti ako na hinimas ang tiyan at na iisip at na e-excite sa kung ano kaya ang magiging itsura niya. Lalaki kaya? Babae? Kamukha ko ba? o mas lamang ang dugo ni Hunter?
Pero kahit maginng ano man siya, sigurado ako na mamahalin ko siya, namin ni Hunter. Buo ang tiwala at malaki ang kumpiyansa ko na matutuwa si Hunter sa oras na malaman niya na darating ka.
Sa ngayon kailangan ko muna itago ang tungkol sayo, hindi pa oras at ayoko na mdaliin ang sitwasyon at pilitin ang papa mo na tanggapin--- gayon na alam ko na hindi tayo ang una sa listahan niya....
At mapait man ang naging ngiti ko ngayon pero itataya ko ang sariling buhay. Sisiguraduhin ko na hindi mo sasapitin ang kahit na anong hirap, walang luha at dugo ang aagos sa mga kamay mo dahil tutubusin ko lahat ng hirap at pasakit para sa'yo, anak ko.
"What!? Day off!?" inis na umugong ang boses ni Shiva sa buong silid.
Salubong ang kilay niya at matalim ang mga tingin niya kay Roro.
"Kailangan ko dalawin ang ate ko. Nanganak na siya." sagot ni Roro.
I am not sure if he's making excuses or not--- malay ko ba kung may kapatid talaga siyang na nganak but what really matters ay yung makakakilos kami ng maayos ngayon ni Hunter para makilatis mabuti ang mga plano nila.
Habang tumatagal mas na uubos ang oras namin ni Hunter na mapabagsak si Spiderus.
Marahas na bumuntonghininga si Shiva, bakas na di niya gustong payagan si Roro na umalis.
"Fine! Make sure na hindi ka magtatagal. I'll call Hunter na lang para ihatid kami ni Celeste." walang na gawa si Shiva kundi payagan si Roro at ngumiti si Roro na tumango at nag pasalmaat kay Shiva.
"Sige, alis na." parang aso na pagtataboy ni Shiva kay Roro gamit ang kamay. Iritbale niyang kinuha ang cellphone at sigurado na tinatawagan niya na si Hunter.
"Celeste," lumipad ang tingin ko kay Roro at matamis ang ngiti niya na lumapit sa akin.
"Mga ilang araw din ako mawawala... kaya sana---" natigilan siya at hindi ako nagreklamo ng kuhanin niya ang kamay ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para isingit sa mga palad ni Roro ang maliit na papel na naglalaman ng mga impormasyon na kailangan makarating kila Uno.
"Mag ingat ka ah. Kapag kailangan mo ng tulong o ka usap 'wag ka mahiyang tawagan ako. Darating agad ako para sa'yo." malumanay niyang sabi perom mas natuon ang atensyon ko sa mapanuring mata ni Shiva.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
פרוזהWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...