Simula

75.8K 1.6K 232
                                    

SIMULA

Tinakpan ko ang bibig gamit ang mga nanginginig kong kamay. Balot ng dilim ang makipot na silid kung saan ay pilit kong pinagkasya ang manipis kong katawan habang nakasilip sa maliit na butas. May kaunting liwanag na nagmumula roon at saksi ako sa bawat pangyayari sa labas. Bagay na siyang dahilan kung bakit ako kinakain ng takot at paghihinagpis.

"Sinabi ko na! Wala kayong mapapala sa 'kin! Matagal na akong wala sa organisasyon!" sigaw ni Mama na habang nakasubsob ang mukha niya sa sahig at inaapakan ng isang babae ang ulo niya. Idinikdik mabuti ang mukha ni mama na para bang basahan lang itong nilalampaso sa sahig.

Tuluyan nang umagos ang mga luha sa pisngi ko at pigil akong humihinga para ikubli ang bawat hikbi.

"Kung ganoon, oras na para tuluyan kang makalaya sa organisasyon." nakangisi niyang sabi. Humigit ako ng hininga nang hugutin niya ang isang espada. Kuminang ang talim n'on at tanaw ko ang buhay na marka sa kamay niya.

Isang gagamba. Kung saan ay nakalatag ang bawat galamay nito sa mga daliri niya. Gusto kong tumakbo para yakapin si mama pero natigilan ako sa palihim niyang pagsulyap sa 'kin. Gumuhit sa mga mata niya ang mga salitang nagpapaalala sa akin kung gaano niya ako ka mahal. Kasabay noon ay muling namumbalik sa isip ko ang lahat ng alaala naming dalawa.

"Paalam." Matamis ang ngiti niya at nasamid ako sa sariling laway nang umangat ang kamay ng babae para tuluyan tagpasin ang ulo ni mama. Kusang umagos ang luha sa mga mata ko, kasabay ng pag-agos ng mga dugo sa leeg niya at paggulong ng ulo ng taong pinakamamahal ko sa lahat.

Ang mama ko—ang Mama ko—gusto kong tumakbo para tulungan siya, gusto kong ibabalik ang ulo niya. Mabubuhay siya, at makikita ko muli ang matatamis niyang ngiti. Gustong-gusto ko lumapit at sumigaw pero ayokong suwayin siya. Ayokong magalit siya sa akin at kailangan kong maging masunurin, kailangan kong magtago tulad ng ibinilin niya sa akin
Na kailangan kong mabuhay at maging ligtas.

At kahit masakit, at kahit alam kong malabo nang mailigtas ko siya, umaasa ako na sana isa lang ito isa mga masama kong panaginip. Na sa pag gising ko... bukas ay maayos na ang lahat. Na babalik kami sa dati, na sasalubungin niya ako ng mainit na yakap at igagayak niya lahat ng kailangan ko sa pagpasok sa eskwela.

Ngunit kahit anong pikit ko at pagkagat sa kamay ay hindi ako bumangon mula sa isang masakit na bangungot. Nabato ako mula sa kinatataguan ko, sa isang madilim na sulok habang umaagos patungo sa paa ko ang sariling dugo ng aking ina.

Nasa murang edad... alam kong wala na siya. Iniwan niya na ako, at hindi ko alam kung paano ako magsisimula o tama bang nabuhay pa ako gayong wala akong makitang dahilan kung saan ako dadalhin ng pagkawala niya.

Pagod na ang mga luha sa pag-agos, na ubos na ang tubig sa katawan ko pero hindi humupa ang sakit at mas tumitindi lang ang hagupit sa puso ko sa bawat pagpatak ng orasan. Kasabay n'on ay ang malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana, at mula rin doon ay dinig ko ang paglisan ng mga sasakyan kung saan ay lulan ang mga taong kumitil sa buhay ng nag-iisang taong meron ako.

Gumapang akong bumagsak para yakapin ang katawan ni mama. Nabalot ng dugo ang buo kong katawan at sa muling pagkakataon ay hindi ko na napigilang humagulgol at nanginginig ang kamay kong pinulot ang ulo niya.

Sa sampong taong gulang na katulad ko hindi ko kailanman na isip na matakot sa ganitong sitwasyon. Mas naramdaman ko ang sakit at galit na nabubuo sa puso ko habang pilit kong pinagdudugtong ang ulo at katawan ng mama ko pero sa huli... kahit anong pilit ko, hindi ko na maibabalik ang buhay niya.

Ang buhay na kinuha nila at pagkakataong ninakaw nila para magkaroon ako ng isang ina.

"Ma-Mama... gising... gu-gumising ka na, p-please. Huwag mo 'kong iwan, Mama." paki-usap ko at humihikbing niyuyugyog ang balikat niya. Ayoko, ayokong maniwala na wala siya. Ayokong maniwala sa kung ano ang nakikita ng mga mata ko.

Pilit kong pinapaniwala ang sarili sa kasinungalingan pero sa huli... bigo pa rin ako  at kusa kong naramdaman ang pagod. Nanlulumo akong yumuko at tuluyan Na akong binawian ng pag-asa. nagising sa katotohanang, wala na siya at mag-isa na lang ako sa buhay.

"You witnessed death, but it's not a licensed to waste your tears; instead, you should stand up and put the world in your hands." Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang marinig ang isang baritonong boses ng lalaki. Hindi ko namalayan ang pagdating ng kung sinuman at masyado akong kinain ng paghihinagpis.

Marahan akong nag-angat ng tingin. Humagod ang mga mata ko mula sa itim niyang sapatos hanggang sa pagtingala ko ay nagfama ang mga mata namin.

"S-Sino ka?" tanong ko at hindi maiwasang matakot. Na baka sa pagkakataong ito, isa na namang kalaban ang dumating. Pero may dapat pa nga ba akong ikatakot? Wala na, mas gugustuhin ko pang mamatay para makasama ko si Mama.

"Isang kaibigan. Tutulungan kita kung ipapangako mo ang katapatan mo sa akin." Inabot niya sa akin ang kamay niya at agad na pumukaw ng atensyon ko ang suot niyang singsing. Isang 'di pangkaraniwang singsing, may patalim at pinupulutan ng isang ahas na naging letrang S ang nakaukit sa singsing niya.

Lumunok ako at muling tiningala ang lalaki. Malakas na umihip ang hangin at tinatangay nito ang kulot kong buhok. Nagtaasan ang balahibo ko sa lamig pero nagliliyab ang mga tingin niya sa 'kin.

Mabilis ang bawat pintig ng puso ko ngunit hindi ko matukoy kung saan iyon nagmumula, "Magtiwala ka, hindi na muling aagos ang mga luha sa mga mata mo." malambing niyang saad.

Kagat labi kong pinagmasdan ang kamay at ilang beses na nagnakaw ng hangin. Hindi ako sigurado sa kung ano ang gusto niyang mangyari pero nang muli kong lingunin ang sitwasyon ni Mama at muling nadurig ang puso ko. Sa huli ay malaya kong iniangat ang kamay para tanggapin ang mga kamay niya. Mainit ang mga palad niyang hinila ako para tumayo nang maayos.

Ang lakas nang kabog ng dibdib ko pero lahat ng takot at pag-aalinlangan sa puso ko ay napalitan ng pag-asa nang punasan niya ang luha mula sa pisngi ko. Kasabay ng pagpahid niya sa mga luha ko ay siyang paghaplos ng mga tingin niya sa puso ko na siyang dahilan kung bakit natunaw lahat ng pag-aalinlangan, takot at kaba sa dibdib ko laban sa kaniya.

Agad na tumigil ang oras at mundo ko nang mula sa liwanag ng buwan ay tuluyan kong natanaw ang mukha niya. Ngunit mas napukaw ang atensyon ko ng mga mata niya.

His stare is brighter than the light coming from the moon, and his eyes are dark, filled with blood, and red like the blood that scattered along my body.

_____

CreepyPervy | Ash

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon