CELESTE
"Buti naman at ok kana," nakangiting bungad sa akin ni Roro habang inaabot ang tinapay na may palamang keso.
Nakangiti akong tumango at tinanggap ang pagkain, "Salamat,"
"Sa tinapay?"
"Sa lahat lalo na yung mga ginawa mo para sa amin ni Luna." ngayon ko lang nakaharap at solong nakausap si Roro pagkatapos kong manganak kaya ngayon lang din ako nakapagpasalamat ng personal sa kaniya.
"Maliit na bagay, kahit sino siguro na pwesto ko hindi makakatiis sa inyo." nakangiti niyang sabu at biglang bumagsak ang balikat ko.
"S-Sana nga katulad mo rin siya mag-isip."
"H-Hindi mo sinabi kay Hunter?" mahinang bulong ni Roro kung saan ay napalingon pa siya sa paligid para siguraduhin na wala si Hunter.
Nandito kami sa luma at maliit na hideout nila Hunter. Hinihintay namin ang mama ni Roro at gayundin ang iba pa na dumating.
Ang sabi ni Roro ay mag-uusap usap daw ang lahat para sa magiging plano at kung ano ang tamang gawin pagkatapos ng pagkatalo nila sa grupo ni Shiva.
Darating ang lahat pero hindi ako sigurado kung pupunta si Hunter. Kilala ko siya, alam ko na desido na siya sa unang desisyon at kahit bagsak na ang mga kasamahan niya tutuloy siya at tatapusin ang sinimulan.
Pumunta lang din ako rito para makita ang kalagayaan ng bawat isa. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanila lalo na at alam kong kasalanan ko ang lahat.
Kundi sana ako naging pabaya hindi sila mata-trap ni Shiva.
"Celeste?" hinawakan ni Roro ang kamay ko at mahigpit ang kapit niya roon. Nagaalala ang mga mata niya at pilit na ngiti ang naging sukli ko.
"Akala ko ba sasabihin mo na kay Hunter ang tungkol kay Luna?" takang-taka na tanong ni Roro
Totoo na gusto ko sabihin kay Hunter lahat pero---
"Hindi ko alam kung tama pa bang malaman niya ang tungkol kay Luna." diretso kong sagot kay Roro at napabuntonghininga kong binawi ang kamay.
Pinaglaruan ko ang mga daliri habang pinag-iisipan mabuti ang naging desisyon ko kanina.
"Celeste, hindi sa kinakampihan ko si Hunter pero si Luna..."
"Alam ko, alam ko ang pakiramdam na walang kinalakihang tatay o magulang. Sanggol pa lang raw ako noon ng mamatay ang tatay ko sabi ni mama. Kami lang dalawa ang magkasama sa buhay kaya gusto ko sana na bigyan siya ng masaya at kumpletong pamilya... kaso..." natigilan ako at buong loob ang mga mata kong nakikiusap kay Roro.
"Hindi ganun kadali at kasimple ang lahat. Kaya kung pwede... sana sa atin na lang muna ang tungkol kay Luna." sabay hawak ko sa kamay ni Roro at mahigpit ang hawak ko roon.
Bumaba pa ang tingin niya sa mga kamay namin bago binalik ang atensyon sa mga mata ko, "Celeste,"
"Please... itago muna natin ang tungkol kay Luna." matamis ang ngiti kong nakikiusap kay Roro.
Mali man na itago ko kay Hunter ang tungkol sa anak namin pero sa tingin ko ay ito ang higit na makakabuti sa lahat. Hindi para sa akin o kay Hunter, kundi para kay Luna.
Si Luna ang priority ko ngayon. Ang kaligtasan niya at kapakanan ni Luna ang gusto kong unahin higit sa ano pa mang bagay.
Kaya sana maintindihan ni Hunter at Luna kung bakit kailangan ko muna itago ang totoo. Hindi ko makakaya kung pati si Luna ay mawawala sa akin.
"Kung yan ang gusto mo." sabay ang ngiti namin ni Roro at mas humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"Salamat," hindi ko alam kung paano ko pa susuklian ang mga ginawa ni Roro para sa akin, sa aming mag-ina.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...