Bago magkalampagan ang Hunter x Celeste. Short UD muna tayo at konting update kay Shiva 🤭
At opo, Hunter's name ay inspired po talaga sa Hunter x Hunter haha. Kahit iyong ibang character dito ay anime inspired po. 😅 Sorna, adik po kasi ako sa anime 🤗
SHIVA
"Hindi maganda ang kutob ko kay Yui."
"What do you mean? Dahil ba ito sa nangyari. Are you jealous with her?"
"No, I'm not."
"Oh, Hera. Wala kang dapat ipagselos kay Yui. We both know why we needed her and why I kept her with me, with us." Naalimpungatan ako mula sa dalawang boses na ume-echo sa buong silid.
Sinubukan ko imulat ang mga mata pero malabo pa rin ang paningin ko at wala akong ibang maaninag kundi dilim. Mukhang may piring ang mga mata ko at hindi rin ako makakilos ng maayos mula sa pagkakatali ng mga kamay ko sa likod.
Dama ko rin ang lubid na nagbubuklod sa mga paa ko at ang malagkit at madikit na bagay na nakadikit sa bibig ko.
Sinubukan ko sumigaw pero tanging ungol lang ang lumabas sa bibig ko. Mga tainga lang din ang gumagana sa akin ngayon kaya malinaw sa pandinig ko ang usapan ng dalawang babae.
"I'm all yours, Hera. Alam mo 'yan." sigurado ako na boses iyon ni Wowa.
Malambing ang tinig niya at hindi ko maunawaan kung bakit parang may ugong ng mga paghalik akong naririnig pero isang bagay lang ang sigurado ako.
Hindi dito sa lugar na ito nagmumula ang boses nilang dalawa at higit lang ako hindi makapaniwala ng marinig ko kung gaano kalambing ang tinig ni Wowa na makipag-usap kay Hera.
"Alam ko, master. Pero gusto ko lang balaan ka na hindi ko gusto ang mga inaakto ni Yui." sagot ni Hera mula sa kakaibang ingay, na sa tingin ko ay mula sa pagitan ng mga halik.
Teka, huwag mong sabihin na...
"Mahal ko, sabihin mo ano bang kailangan natin gawin kay Yui?"
M-Mahal ko? T-Tinawag niyang mahal ko si Hera? Sa sobrang bigat na nararamdaman ko at dahil hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ay nagpupumiglas akong sumigaw.
"Hmmmmm!" sabay padyak kong muli at narinig ko na may nahulog ako mula sa pagwawala.
"Hmmmm! Lemmmmmeee ghmmmm!" I scream and wildly shaked my body to get rid off all the ties on my body.
"Siguro, oras na para gawin natin ang experimento kay Yui."
"Pero wala pa si Shiva, silang dalawa ang bubuo sa mga plano natin."
"Si Yui ang pinakamahalagang kailangan natin, master. Normal lang na tao si Shiva at kita naman natin na magkaibang magkaiba sila ni Shiva. Malayo sa inaasahan nating resulta."
"Tama ka at kahit ako ay duda kay Yui. Nagtataka lang kasi ako kung paano nakatunog agad ang mga kasama ni Hunter para iligtas niya."
"Malamang na si Yui mismo ang espiya sa loob ng mansyon at sinubukan niya lang tayo paikutin." tuloy pa rin ang usapan nila mula sa pagwawala ko na para bang hindi nila ramdam ang presensya ko.
"Kaya bago pa mahuli ang lahat, kailangan ko na magamit si Yui sa mga plano ko."
"Hmmmm!" sigaw ko muli at nagpupuniglas ako. Naririnig ko pa ang tawa ni Wowa at ang kakaibang ingay mula sa dalawang nagpapalitan ng halik.
Nawala lang ang ingay at ugong ng bigla na lang tumahimik ang buong kinalalagyan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at natuyo ang lalamunan.
Luminga ako at pilit na nagsumigaw gayong alam ko na parang wala naman akong kasama. Not until, I heard a little foot steps towards my direction.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
Ficción GeneralWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...