Flashbacks and long chapter ahead! Mga 5 chapsters na lang siguro 'to. hehehe!
Enjoy!
HUNTER"Did you find it?" inis kong tanong kay Drake na ilang araw na pero wala pa rin siyang mabigay na update sa akin tungkol doon sa hinihingi ko sa kaniyang footage sa school nila Celeste. I'm fucking mad and worried about how Celeste suffers right now, and it's my fucking fault. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa kapabayaan na nagawa at hindi rin ako matatahimik hanggang hinid ko nasisingil ang buhay ng mga gagong lumapastangan sa kaniya.
"It's kinda hard, Hunter. Una wala naman CCTV sa area at—"
"I don't fucking care! Do something! Akala ko ba magaling ka, then prove it, Drake. Prove your fucking skills!"
"Hunter, you know we can—"
"Is that all about money? Magkano ba presyo mo para gawin mo ng tama 'yang pinapagawa ko sa 'yo." asar kong tanong kay Drake at inis kong binato sa mukha niya ang passbook ko kung saan nandoon lahat ng ipon at pera na meron ako.
Handa akong ubusin ang lahat para lang maipaghiganti ko siya. Handa akong mawala ang lahat, maibigay ko lang ang hustisya sa kaniya. Handa akong maubos para lang sa ikabubuti niya.
Fuck the world with its cruelty!
Fuck everyone who takes advantages to innocent one!
Fuck how unfair the world is!
Fuck them all!
Mariin siyang pumikit at marahan niyang hinilot ang sentido habang pasimpleng nilalaro ang suot na singsing. Drake tries to be calm and holds his temper but I can't.
Hindi na ako makapaghintay na gilitan ng lalamunan at pahirapan kung sinuman ang gagong 'yun. Sa tuwing na iisip kung paano nahihirapan si Celeste, sa kung paano siya sumigaw at umiyak tuwing gabi mas higit na tumitindi ang galit ko sa sarili.
Mas nasasaktan ako na wala akong magawa para pagaangin ang paghihirap niya. Na hindi ko siya magawang hawakan, na sa tuwing nakikita niya ako wala siyang ibang ginawa kundi ang sumigaw. Sigaw na puno ng takot. Halos wala na rin siyang lakas para bumangon at bakas sa mga mata niya ang pagod na huminga at lumaban para sa sarili niyang buhay.
"I don't need the money, Hunter. I badly wa—"
"Then what the fuck do you want?!" Hindi ko na matiis kaya marahas kong hinila ang kuwelyo ng suot na damit ni Drake.
Mahigpit ang kapit ko sa kuwelyo niya at matalim ang tingin ko sa kalmadong mga mata ni Drake. Kung ayaw niya ng pera, ano? Ano bang gusto niya para lang gawin ang simpleng pabor na hinihiling ko.
Minsan lang ako hihingi ng tulong sa kanila at hindi ko pa iyon hinihingi ng libre. Handa akong ibigay lahat ng sabihin niya para lang kay Celeste.
Mahirap ba? Mahirap ba para sa kaniya na i-hack ang CCTV? Akala ko ba magaling siya. Nagtiwala ako na matutulungan niya ako pero putang ina! Nasaan na! Nasaan na ang sinasabi niyang galing.
"Hunter, calm down. It doesn't help us." malumanay na pakiusap ni Drake pero higit lang na humigpit ang hawak ko sa kaniya. Bakas ang inis kk ko mula sa mga ugat sa kamay ko na kitang-kita ang bawat hibla mula sa galit. Nagliliyab ang bawat sulok ng buhay kong mata at hindi ko maiwasang panuyuan ng lalamunan sa inis.
"Do something, Drake. Handa akong isangla ang kaluluwa ko sa impyerno mapatay ko lang siya." mariin at buong loob kong sabi kay Drake at malalim siyang bumuntonghininga.
Bumaba rin ang tingin niya pero agad din siyang tumango sa akin. Hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa pagkakahawak ko sa kuwelyo.
"I will, Hunter. Tutulungan kita. Just... just calm down and reserve all of your madness and energy until you met that jerk." Drake said, almost begging me to calm down.
![](https://img.wattpad.com/cover/236333864-288-k9421.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...