CELESTE
"Sabi na nga ba at dito lang kita mahahanap," sabay upo ni Roro sa tabi ko at sinuri niya ang mga binili kong damit at gamit ni Luna.
"Maganda pala taste mo sa mga damit at gamit. Bagay lahat to kay Luna, kaso hindi ba parang masyado pang maaga kung susuutin niya 'tong mga binili mo?" hindi ako kumibo at patuloy kong binurdahan ang lampin ni Luna.
Ilang araw na akong walang gana kumain at walang kibo sa kahit na sino. Mabigat na mabigat ang pakiramdam at loob ko. Dalawang gabi na rin akong walang humpay sa pag-iyak at buti na lang talaga ay hindi ako pinagbawalan ni Achi na mag stay rito sa hideout nila.
"Celeste, dalawang araw ka ng hindi umuuwi sa bahay. Dalawang araw na rin nagtatanong si Hunte---"
"Pwede bang wag mo na lang muna banggitin ang pangalan niya? Gusto ko muna makahinga mula sa kaniya."
"Pero Celeste, si Hunte---"
"Roro, please kahit ngayon lang." nakikiusap kong tinignan si Roro at malamlam ang mga mata ko.
Si Hunter ang gusto ko laging makita, pangalan niya pa rin ang gusto kong sambitin pero napapagod na ako. Nasasakal at nahihirapang huminga. Gusto ko muna makalaya sa kakaisip sa kaniya kaya kahit alam ko na ang pwedeng mangyari ay tinuloy ko pa rin na hindi umuwi sa bahay.
Dalawang araw na ako rito sa hideout nila Achi. Pinilit ko talagang makatakas ako ng madaling araw at mas pinili kong makasama si Luna.
Parang mas ok pa ako rito. Mas gusto ko ng wag lumabas ng kuta nila Achi. Mas nahanap ko ang katahimikan ko na walang kahit na sino ang na sa paligid ko.
Walang organisasyon.
Walang Shiva
Walang gulo.
Walang mga serpents.
Walang Spiderus.
Walang mga plano at mga patayan.
At higit sa lahat walang Hunter.
Gusto ko ng mabuhay ng normal tulad ng iba.
Problema lang nila kung saan hahanapin ang kakainin sa araw-araw, hindi tulad ko na palagi na lang ako tumatakbo at nagtatago.
"Sorry. Nagaalala lang ako para sayo." bagsak ang balikat ni Roro at kahit gusto kong ngumiti, hindi ko magawa.
"Celeste, yung daliri mo." sabay kuha ni Roro sa kamay ko. Natusok na pala ako ng karayom nang hindi ko namamalayan.
Balak pang punasan iyon ni Roro ang dugo sa daliri ko pero binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya.
"Ok lang ako kasi ang totoo, wala na akong maramdaman. Manhid na manhid na ako, Roro."
"C-Celeste,"
"Kung pwede lang, ayoko na talagang umuwi. Sana pwedeng dito na lang ako sa tabi ni Luna." sabay lingon ko kay Luna na nakalagay pa rin sa incubator.
"Siya lang naman ang hinihintay ko, pagkatapos nun gusto ko na ulit magtago sa lahat. Kahit si Hunter parang hindi ko na kayang hintayin o baka wala naman kasi talaga akong hinihintay." sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko at kusang umagos ang luha sa mga mata ko.
"I don't know what to say. Hindi ko alam kung paano kita iko-comfort." nahihiyang sabi ni Roro at matamis ang ngiti kong nilingon siya.
"Hindi naman kailangan. Alam ko kung ano ang tama sa mali. Alam ko kung kailan ang sobra at kulang. Alam ko kung kailan ako tanga at matapang. Kabisado kung kailan ako iiyak at ngi-ngiti. Kilala ko ang sarili ko, Roro at hindi mo na ko kailangan i-comfort ng pa ulit-ulit dahil nasabi mo na lahat. Nagawa mo na lahat at desisyon ko kung na saan ako ngayon. Hindi mo ko kailangan sabayan na umiyak at masaktan, sapat ng alam kong di ako naging mag-isa." matamis ang ngiti kong hinawakan ang kamay ni Roro.
![](https://img.wattpad.com/cover/236333864-288-k9421.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
Ficción GeneralWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...