AN:
Hello! Natutuwa ako sa gigil comments niyo may Hunter at sa team Roro. Haha! Thank you po sa pagmamahal sa BAT.
And as much as I want na taguan ng anak si Hunter tulad ng sabi niyo(?) Hmmmm... I have different kind of taguan ng anak para kay Hunter 🤣 Malalaman niyo rin soon kasi weirdo yung author niyo, gusto yung kakaiba pero don't worry, it happened in realife ang magiging sitwasyon ni Celeste and I made a lot of research din for her true identity 🤣
Gusto ko talaga kyo sundin pero daliri ko minsan may sariling utak eh. Kusang nag ta type at di nag iisip. Haha!
Kung gusto niyo ng literal na taguan ng anak lipat tayo sa kabilang series. Doon sure na may iiyak. Chaaaar pero not char! hahaha.
Medyo serious tayo sa 26 para umusad ang kwento and I hope you still like it 😘
Always remember, you are loved 🖤
-Ash 🖤
CELESTE
"Have you ever tried it to a human?"
"We tried to infect humans with the destructive virus, and it has the same effect on how monkeys get infected. Unfortunately, we are still working on the last touch of this deadly disease. It affects their mind and destroys their neurons. That's why we are still hesitant to take second testing on humans--- they acted like a wild animal and become aggressive upon inhaling the virus."
"Do you already have vaccines for this disease?"
"Not yet, but this is not contagious, so we won't encounter any problems of protecting our clients and our factions."
Ngumiwi ako ng maramdaman ang bigat ni Mr. Smith mula sa upuan.
Pinipigilan ko ang huminga ng malalim kahit pa na iipit na ako mula sa ilalim ng sofa.
Matapos lumipas ang buong araw at magdamag simula ng ipag malaki ni Mr. Smith ang imbensyon ay agad na nag usap ang mga tingin namin ni Hunter.
Kailangan ko ng kumilos para alamin agad ang susunod na hakbang nila Shiva.
Umasa ako na isasama ako ni Shiva sa meeting niya kasama si Mr. Smith at ang lola niya pero na bigo ako.
Binilin niya na manatili ako sa kwarto ko sa ibaba pero ang totoo--- nang makapasok siya sa kwarto ay nag panggap lang ako na lumabas.
At pilit na pinagkasya ang manipis kong katawan sa ilalim ng sofa kaya nagawa ko na pakinggan ang lahat ng usapan nila mula pa kanina.
"Hindi natin pwedeng ilabas at ipalaganap ang virus without a specific anti-virus. We don't want to lose our ways to rule the world, especially the elitists and high profile personalities." kontra ni Shiva sa kagustuhan ni Mr. Smith na ipalaganap na agad ang imbensyon niya sa lahat.
Balak nila ipalaganap ang isang uri ng sakit para kontrolin ang maraming tao--- pangunahin sa listahan nila ang mayayaman at ma-impluwensyang tao sa buong mundo.
"We should try it to a lower class, para makita natin agad kung maghahatid ba ng takot ang ganitong sakit sa mayayaman."
"Oh! Drop it off, Mr. Smith! Of course, they won't get scared until it reaches their level! Iisipin lang nila na sakit ng mahirap ang kumakalat na sakit. You are pushing them away from our plan." iritable at inis na kontra ulit ni Shiva.
In fairness medyo bobo din si Mr. Smith at may utak din pala si Shiva kahit kasing liit lang ng monggo.
Hindi nila pwedeng ilabas agad ang virus kung wala pa silang vaccine para dito dahil hindi magiging maganda iyon lalo na at walang kasiguraduhan ang sarili nilang kaligtasan sa oras na kumalat ang epidemya.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...