Kabanata 41

21.5K 1K 563
                                        

Ang bandera ni Hunter ay parang tae, urong-sulong lang. Haha. Chaar! Sisimulan ko na yung mga flashbacks sana walang malito. Thank you and enjoy! ❤️

HUNTER

"Si Celeste?" tanong ko sa teacher ni Celeste. Hapon na at kanina pa ako nag-aabang sa gate. Ala-singko ang uwian nila pero mag aala-sais na ng gabi. Naubos na lahat ng estudyante at hindi na ako nakatiis na puntahan ang teacher niya.

Pang ilang beses ko na siyang inilipat ng school. Hindi ko rin maintindihan kay Celeste kung bakit tampulan siya ng tukso gayong hindi naman siya mukhang pinulot sa tae ng kalabaw.

Mala-porselana ang kutis niya at ouno ng kainosentehan ang mukha. Maamo at puno ng lambing ang bawat tingin pero kahit saan lugar siya pumunta ay lagi siyang hinahabol ng tukso.

May balat yata sa puwet ang batang iyon at sinusundan ng malas.

"Hindi na siya pumasok kaninang tanghali. Akala ko ay umuwi na." paliwanag ng teacher at pinigilan ko ang sarili na hampasin ang lamesa.

"Hindi siya umuwi at bakit uuwi si Celeste ng tanghali? Hindi ba dapat alam ninyo kung na saan ang mga estudyante ninyo?" banas kong tanong sa guro. Naturingan na siya ang pangalawang magulang ng mga bata dito sa loob ng school pero hindi niya nagawang bantayan si Celeste.

Bwisit! Gabi na at wala man lang akong contact sa kaniya. Hindi naman ako magagalit kung sinabihan agad nila ako. Nagbilin ako sa kanila na bantayan si Celeste mabuti dahil iba siya sa lahat.

Even she smiles at me; I know how deep the scars are left in her heart. Gabi-gabi pa rin siyang umiiyak, sumisigaw at walang humpay ang pagtawag sa mama niya.

Halos isang taon pa lang nang mamatay ang mama niya sa harapan niya mismo at alam kong sariwa pa rin ang lahat kay Celeste. Pinipilit niya lang lumaban at tumawa.

"Pasensya na po sir, masyado kasing marami estudyante. Hayaan ninyo, itatawag ko sa security para ipahanap si Celeste."

"Mabuti pa nga dahil kung may mangyari masama kay Celeste, ikaw ang una kong hahanapin." pagbabanta ko sa adviser ni Celeste at padabog akong lumabas ng school.

Dapat talaga pina-home school ko na lang siya. Sana pumayag na lang ako sa request niya na sa bahay na lang siya mag-aaral.

Lintik! Gusto ko lang naman maranasan niya pa rin ang normal na buhay. Ayoko siyang ikulong na lang sa loob ng bahay kaya nga kahit araw-araw ko pa siya ihatid-sundo ay ginagawa ko.

Wag lang talaga makikisabay ang mga utos sa SI dahil literal na kahit dalawang araw ay hindi ako nakakauwi. Buti na lang ay matalino at mapamaraan ang batang 'yun kaya kahit maiwan mag-isa ay hindi ako gaanong nag-aalala na baka magutom siya.

Pero ibang usapan ang ganitong bagay. Masyado pa siyang hilaw para gumala gala na lang.

Ano na lang ang pwedeng mangyari sa kaniya sa daan? Sa kalsada? Paano kung may makasalubong siyang adik? o kaya mga taong malakas man trip?

Paano kung mapahamak siya? Fuck! Mababaliw na ako sa kakaisip kay Celeste. Sinuyod ko na ang lahat ng lugar at ang mga pwede niyang punatahan pero ni anino niya ay wala.

"Celeste!" sigaw ko ng paulit-ulit. Lumalalim na ang gabi at hindi ko pa rin siya mahanap.

Tang ina! Nasaan ka na? Mababaliw na ako. Lintik! Masyado pa naman utuin si Celeste at konting kabaitan lang ang ipakita sa kaniya ng iba ay lumalambot na agad siya.

Bwisit! Bakit ba likas na mabait ang batang yun? Namatay na nga sa harap niya ang nanay niya pero hindi niya man lang kayang magalit.

Asar! Hindi ko na alam ang gagawin sa kaniya. Hindi ako makauwi at lalong hindi ako uuwi ng hindi siya kasama.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon