Kabanata 45

13.7K 908 502
                                    

HUNTER

"All set," Uno playfully squirms his brow. He was playing with the piercing of his tongue and his looks were taunting me for some reason.

I hissed and Uno chuckled. I turned my back to ignore the dickhead and pick up my guns and loaded my magazines with bullets. I have prepared for the battle we have long awaited. . . a battle we've been waiting for the rest of our lives, a war we intend to happen, and a clash that sacrifices our interest, my love, and my life.

I secretly sighed deeply and struck my eyes with frustration. My hands shiver with uneasiness and hatred. I was irritated by the way Uno whistles and it leads my mind to itch from all things considered to happen for the next few hours.

"Are we going to dash to Mr. Smith's laboratory without Celeste? Her number is a great help." Rian commented as she prepared the gun she had ever since, an arm suspected to be Alexander's favorite gun.

Shiva stares at me for what Rian said and Roro never brings it up, he remains silent after that night and he never bothers to look at my eyes after we talk about the plan but with Uno. . . he managed to cackle and tease me with his eyes, and a tear jerks into his eyes through his laughter.

"She's out, Rian. Don't expect Celeste to be part of us." Uno claimed before the words spilled from my mouth. I sighed, secretly breathing and hides all the grudges I've been keeping for so long.

I acted as I should and I become fearless at looks even deep inside, I'm dying with second thought.

No, I shouldn't. I won't let my emotions spoil our plan. I will not squander all our sacrifices on the most anticipated portion of this war, it is all set.

At hindi ko siya gustong biguin. Hindi ko kayang sayangin lahat ng paghihirap niya. Wala akong karapatan na tumigil kung una pa lang ako na ang nagtulak sa amin sa sitwasyon na 'to. At ngayon na buo na ang desisyon niya, namin, walang kahit na sino pa ang pwedeng humadlang sa lahat ng pinaghirapan naming dalawa.

Kailangan ko harapin ang laban na 'to ng mag-isa at wala siya, kailangan kong masanay na wala na siya, walang Celeste.

"Bilisan n'yo, hindi tayo dapat nagsasayang ng oras." marahas kong dinampot ang susi ng sasakyan ko at dama ko ang bawat tingin nila sa akin.

Wala akong pakialam sa kung paano nila ako nakikita. Wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin ng iba. Wala ng mas mahalaga sa akin ngayon kundi ang ituloy ang lahat at harapin kung ano ang nakatakdang mangyari.

Mabilis man ang kabog ng dibdib ko at nanghihina man ang tuhod sa kakaibang tensyon ay hindi ko hinayaang masilip nila kung sino ang tunay na ako.

Kung sino ang Hunter sa likod ni Celeste.

Wala ang Hunter na kaharap nila ngayon kung walang Celeste ang tumayo sa likuran ko para tulungan akong tumayo at hindi tuluyang bumagsak.

Malalaki at mabigat ang bawat hakbang ko na tinungo ang pinto, kasing bigat ng mga paa ko ang nakadagan sa dibdib ko. Kasing bilis ng bawat pitik ng orasan ang pintig ng puso ko.

Puno ng pangamba pero wala ni isa sa kanila ang nakakaramdam kung gaano kalabag sa loob ko ang pagsugod sa mga oras na ito.

"Hindi tayo susugod," natigilan ako mula sa pagharang sa akin ni Manang Rivas na siyang kadarating lang.

Humahangos siyang nakatayo sa harapan ko at lahat ng mga tingin ay lumipad sa direksyon namin.

"Ma?"

"Hindi tayo susugod. Mauubos lang din ang huling pwersa na meron na tayo." ulit ni Rivas mula sa pagtataka ni Rian.

Hindi ko sila nilingon at ngumisi ako. Pinakita ang tapang at bangis ng isang Hunter na siyang kilala ng lahat.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon