Kabanata 29

12.4K 742 398
                                    

Listen to: Tell me where it hurts

CELESTE

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni tita Rivas pagkatapos ko ibigay lahat ng impormasyon na nakuha ko.

Nandito ako ngayon sa headquarters kasama sila Uno. Mas pinili ko na sumama sa kaniya kanina--- hindi ko alam at hindi ko rin maintindihan kung bakit sa tingin ko ay mas makakatulong ang pag sama ko sa kaniya kesa hintayin si Hunter na matapos sa pakikipag sex.

O ang totoo ay hindi ko matagalan ang sakit, na hindi lang ako ang nasasaktan ngayon kundi pati ang bata sa sinapupunan ko. Hindi ko maitatanggi na apektado ang emosyon ko at mas naging sensitive ako dahil sa pagbubuntis.

Naalala ko na hindi pa rin pala ako kumukunsulta sa doktor--- na imbis mag patingin ay agad akong bumalik sa puder ni Shiva.

"Kung ganun, mapipilitan tayo maghiwa-hiwalay." suhestiyon ni Drake na agad sinang ayunan ni Uno at tita Rivas.

Mukhang wala nga kaming ibang pagpipiliian kundi ang hatiin ang pwersa namin.

May info na nakuha si tita Rivas na kasama ang airport at sa concert ng BTS ipapakalat ang SEALD virus.

Wala siyang sinabi tungkol sa kung sino ang informant ni tita Rivas pero malakas ang kutob ko na kung sinoman ang pinagkunan niya ng impormasyon ay na sa loob din ng pamumuno nila Shiva.

Hindi ko pa nababanggit ang tungkol sa SEALD virus at pag vaccine para sa anti-virus na ginagawa ngayon sa loob ng red dungeon ay alam na agad iyon ni tita Rivas.

"Kami ng bahala ni Kira sa may concert," sabat ni Uno at agad kaming lumingon sa kaniya.

Pa inosente niya kaming tinignan bago siya sumipol sipol na tumingin sa kisame.

"Wag na kayo kumontra. Minsan lang kami mag date ni Kira sa concert ng BTS. Nyihihi!" sabay lapad ng ngiti niya sa amin.

Wala pa si Kira kaya malakas ang loob ni Uno na magsalita na isasama niya si Kira.

"Tss! Bahala ka. Ikaw, Drake. Maiwan ka na para may mag monitor sa mga area."

"Malaki ang airport kaya mabuti na dalawang tao ang nandun." kontra ni Drake sa sinabi ni tita Rivas.

Biglang tumalim ang mata niya kay Drake at parang bata na nang aasar si Uno.

"Hala ka! Lagot ka, kinokontra mo biyenan mo. Papalo ka niyan sa pwet!"

"Shut up, Silvero." Drake gritted his teeth and discreetly kicked Uno's feet.

"Nyahaha! Takot ka, baby Drakey? Kalma lang baka ma ihi ka ulit sa pantalon." mapang asar na tumawa si Uno at palihim na kinukurot ni Drake si Uno sa tagiliran.

They are really close to each other, kulang na lang ay maging magkapatid sila sa pagiging malapit sa isa't isa.

Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip na kung hindi siguro inilalayo ni Hunter ang sarili niya sa iba--- malamang ay malapit din siya kila Uno at siguradong  makikipag kulitan din siya tulad nilang dalawa.

"Tanga, si Luther kaya yun." sabay harap ko sa pinag mulan ng boses at agad akong binati ng umiirap na mata ni Rian--- pero hindi ako ang inirapan kundi ang dalawang lalaki na kasama namin.

Mas napansin ko lang din ang pag impis ng tiyan ni Rian. Nanganak na pala siya at muling bumabalik ang magandang hubog ng katawan niya.

"Tss! Pati ba naman ikaw?"

"Nagrereklamo ka na? Ma, pasagasaan mo yan sa eroplano bukas."

"Pero Rian hindi ko isasama si Drake."

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon