K
"Master." sabay lapag niya ng isang kahon at napatingin ako roon.
"May nag-iwan sa harapan ng bahay. Walang ibang nakalagay." ngumisi ako at umayos ng upo bago kinuha ang kahon at binuksan iyon. Hindi na ako nagulat nang makita ang kahon na may lamang braso ni Spiderus kung saan ay nakaguhit pa sa kamay niya ang simbolo ng kaniyang iniwang legacy.
"Ang braso ni Spiderus?" gulat niyang tanong at tumango ako. Umaamoy na iyon sa dahil sa malansang dugo at sa unti-unti nitong pagkakabulok. Naging mausisa ang mga mata niya at alam ko na hinahnap niya ang bagay na dapat ay suot ni Spiderus.
"Wala ang singsing at sigurado ako na hawak na iyon nila Hunter." ngisi kong sabi at dalawa na, dalawang singsing na ang hawak nila. Ang Chameleon kung saan nakalagay ang lahat ng listahan ng mga tao at negosyong may ugnayan sa SI at ang singsing ni Spiderus kung saan nakatala ang kung paano pinatatakbo ang buong SI.
Ang pamamalakad sa buong Si ay mababasa na nila at sigurado ako na magiging malaking tulong iyon para sa grupo nila Hunter para pabagsakin ang buong SI.
"Hindi ka ba natatakot na baka makuha na rin nila ang dalawa pang singsing?"
"May kailangan ba akong ikatakot? Kung sa huli, sa akin din nila mismo iaabot ang apat na singsing." sabay tawa ko at hinid ako kinakabahan sa pwedeng mangyari.
Sila ang tatapos at kikilos para pabagsakin ang SI at bawiin nila ang apat na singsing pero sa huli... sa akin pa rin ang tagumpay at ako pa rin ang magiging pinuno ng lahat... sa akin din babagsak ang yaman na itinatago ng Blood-Stone. Konti na lang at mababawi ko na ang lahat ng ninakaw sa akin ng angkan mo Summer at ako mismo ang magpapabagsak sa 'yo sa tulong ng taong hindi mo aakalain na kaya kang saktan at pabagsakin.
Babawiin ko lang kung ano ang ninakaw ng pamilya mo sa akin at parehas na hirap at pasakit ang ibibigay ko sa kamatayan mo. Maghintay ka lang at pagsisihan mo na isa kang Blood-Stone.
NERO
"Still here?" natigilan ako sa boses ni Uno at mula sa salamin ay tanaw ko siyang nakasandal sa may pader. Bahagyang madilim ang lugar pero agaw pansin ang bagong kulay niyang buhok gayon din ang maliliit na bola sa pagitan ng mga daliri niya.
Kundi ako nagkakamali ay mga bomba iyon at kundi man ay isa iyong matalim na leteng na mas manipis pa sinulid pero kasing talas ng mga espada. It is part of his collection.
"Ilang beses mo na bang napanood ang mga footage na 'yan? Hindi ka ba nagsasawa o nasasaktan man lang?" ngisi niyang tanong at hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Hinid ko rin tipo ang klase ng mga tingin niya sa akin na puno ng paghahamon.
Tumayo ako at marahan na inayos ang suot kong salamin. Kuminang iyon mula sa repleksyon na nagmula sa liwanag. Seryoso kong sinalubong ang tingin ni Uno pero makulit ang matalim niyang mga mata habang marahan na hinahagis ang mga laruan niya sa hangin at nakasuksok sa kabilang bulsa ang isang kamay.
"Iniisip ko lang... paano ka nakaligtas sa pagsabog?" seryoso kong tanong at mas naging mapanuri ang tingin ko kay Uno gayong una pa siyang sumabog bago pa tuluyang gumuho ang buong laboratoryo.
Ilang beses ko na pinanood ang footage pero pagkatapos ng pagsabog sa lokasyon ni Uno ay nawala na siya monitor at bigla na lang isyang nagpakita rito sa head quarters.
"Hala ka! Baka minulto ka na, Nero. Nyahaha!"
"I am not into Jokes, Uno." seryoso kong bato mula sa pagiging makulit niya. Ilang segundo siyang nakipagtitigan sa akin hanggang mawala ang kinang at kulit sa mga mata ni Uno at unti-unting naging matalim ang mga mata niya. Ang labi niyang nakangiti ay naging isang ngisi na hindi mo gugustuhin makita at siguradong magpapatindig sa balahibo ng kahit na sino.
"Masyado kang seryoso, Nero. Hindi ba pwedeng buhay ako dahil hindi ko pa oras? o gusto mong ma una?" nanlisik ang tingin ko sa kaniya at higit na tumalim ang tingin ni Uno.
Umayos siya ng tayo at maingat ang mga hakbang niya palapit sa akin hanggang huminto ang mga paa niya sa tapat ko at inilapat ang labi sa tainga ko. Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa katwan ng marinig ang seryoso at seryosong boses ni Uno, ibang-iba sa kung paano siya makipagbiruan sa mga kasama niya.
"Marami ang namamatay sa pagiging pakielamero, Nero. Kaya payong kaibigan lang... stay where you are and mind your own business." sabay hiwalay niya at nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawa na parang si Spongebob.
Sira ulo yata ang isang ito.
"Nyahahha! Chillax! Ligtas ako dahil hindi ako napuruhan. Simple lang 'di ba, wag ka masyadong nag-iisip, ikaw rin baka maaga kang ma-stroke. Nyahahah!" tawa muli niya ng nakakaloko at bumalik ang kulit sa mga mata ni Uno.
Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung anong klase kaba ang dumapo sa dibdib ko ng makita ko ang mga mata at ngisi niya kanina. Tila nalunok ko rin ang sariling dila mula sa seryoosng boses niya na halos pagbabanta ang naramdaman ko mula sa kaniya.
"Bumaba kana. Handa na ang hapunan at ikaw na lang ang hinihintay naming lahat." sabay talikod ni Uno kung saan ay nakasandal ang ulo niya sa sa palad at pumipito siyang lumabs ng kwarto.
Napabuntong hininga na lang ako baka tama nga siya na masyado akong nag-iisip at wala na akong dapat ipag-aalala. kailangan lang namin ay maging handa sa susunod naming hakbang para pabagsakin ang dalawa pang pinuno ng SI.
Lumapit ako sa mga monitor para patayin sana iyon pero agad akong natigilan ng maramdaman ko ang bagay na naka-ipit sa bulsa ko. Isang piraso ng baraha. Kulay itim and it has a reverse symbol. Biglang naningkit ang mata ko at naisipan kong i-play ang footage pabalik. Sa pagkakataong ityo ay higit akong naging mapagmatyag at bago tuluyang masira ang CCTV sa lokasyon ni Celeste ay nakahagip ako ng baraha na lumipad.
Baraha? Baraha katulad ng hawak ko. Wala sa loob kong binaliktad ang hawak kong baraha at laking gulat ko ng makita ang sarili kong pangalan at lahat ng detaltye mula sa akin pati na rin ang simbolo ng Blood-Stone na siyang ini-espiya ko. Dinapuan ako ng kakaibang kaba at agad akong lumingon sa pinto para hanapin ang presenya ni Uno pero wala na siya. Mariin ang hawak ko sa baraha at hindi maiwsang mapaisip.
"Sino ka ba talaga Uno?"
__________
CreepyPervyAsh Note:
Olah! Thank you so much, Ashes! Another story na naman ang pinagsamahan natin. Nandiyan na may nagalit, umiyak at tumawa at masaya ako na nagagawa ko na dalhin kayo sa ibang mundo para makatakas tayo sa reality. Ahaha!
I am really grateful that despite of all the challenges ay nag-stay pa rin kayo sa tabi ko. Nasabi ko na ito at palagi ko pa rin sasabihin kahit maumay kayo.... thank you! thank you! I will never be here and have courage to continue my journey kundi dahil sa inyo.
Naiintindihan niyo ako lalo na sa mga laba day at typo ko. haha! Kaya iyon lang sapat na po sa akin. This will be the last chapter for BAT. Wala bang special chapter?
Ang SC ng BAT ay gagawin ko after na ng Blood War. Para walang spoiler at para makalimutan niyo ng patay na si Celeste. Ahahaha!
Ayun lang naman, laba day bukas so... waley muna ako.
And of course, I will take a break for writing heavy stories. Mag fluff and clcihe muna ako. Pag-isipan ko lang kung ano uunahin ko sa mga pabebe kong story. Hanngang sa mga pabebe kong story ay sana magkita kita pa tayo.
Thank you so much, Ashes! Keep fighting! Keep going on! Aim high and love yourself!
Always remember, you are loved <3
-Love, Ash <3
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...