CELESTE
"I want you to introduce yourself," Shiva blurted out while I tried to busy myself with some stuff.
I'm striving not to listen nor look at this pompous jerk whose smiles never fades, and he didn't take off his gaze on me.
"Revel Revaurghn Alexander Nieves, but you can call me Roro for short. 23, future chemical engineer pero pag 'di pinalad future na lang ni Celeste."
Sabay kaming na samid ni Shiva at nag tayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.
Napa-awang pa ang labi ko at gusto kong mag reklamo, barahin siya pero natatameme talaga ako sa kayabangan ni Roro--- ibang klase ang baon niyang tsunami.
Ang mas nakaka-inis ay kinindatan pa ako ni Roro na akala mo'y puwing---
Letse! Kaya mas gusto ko si Hunter, hindi siya pwedeng kumindat kasi baka mahulog ang peke niyang mata.
And it's so cringe to think that this guy winks at me
Geez! What the hell is wrong with him? Hindi kaya malapit na rin mabulok ang mata niya at panay ang kindat.
Bwisit! Hindi ako natutuwa, at mas na iinis pa ako sa mga ginagawa ni Roro.
Pigil naman si Shiva na tumawa pero halos ma bilaukan siya sa ini-inom.
Tumikhim si Shiva at pilit na binawi ang postura, "Ok, Roro. May driver's license ka?"
"Yeah, Professional license. Kaya kong mag drive kahit truck ng bumbero, pero mas gusto ko ipag-maneho si Celeste papunta sa'kin."
"OMG!" hagikgik na sabi ni Shiva at napatakip pa siya sa bibig niya.
Tumalim na ang tingin ko kay Roro at hindi na ako natutuwa sa mga pinag sasabi niya, literal na gusto kong sumuka sa mga kabaduyan at ka-kornihan niya.
Well, his age says it all and obviously, he's still a school boy who loves to play around--- pero hindi na ako tatalaban ng bulok niyang mga diskarte.
"Ok, then may I see your license?" sanay tikhim niya at lahad ng kamay.
Inabot naman agad ni Roro ang lisensya niya at kundi ko lang alam na planado na ni Hunter ang pag pasok ni Roro bilang driver ni Shiva.
Nag tataka lang talaga ako kung saan ba niya na pulot ang uhuging bata na 'to.
Mukha pa siyang sisinghot ng tumutulo niyang sipon, "Oh by the way, Roro... I saw you can do a martial arts."
"Varsity scholar ako ng dahil sa Taekwondo but I also do Judo in our school."
"So you're a fan of martial arts," sabay higop ni Shiva sa inumin pero agad na lumabas sa ilong niya ang ini-inom sa naging sagot ni Roro.
"I like martial arts pero mas like ko yung katabi mo."
"That's so cringe," asar kong sabi at humagikgik si Shiva.
"Oh well, tanggap kana. Mag start kana ngayon."
"Agad?" reklamo ko na parang ayoko na kuhanin ni Shiva si Roro bilang driver.
Ibig sahihin nun, magkikita kami ng madalas ni Roro at araw-araw din masisira ang buhay ko.
"Yeah, bakit? May reklamo ka?" taas kilay na tanong ni Shiva at marahas akong humigit ng hangin.
"W-wala," labas sa ilong kong sagot.
Dapat ay mag diwang ako na nakagawa ng maka-pasok ni Roro sa buhay ni Shiva pero lintik! Di yata magandang ideya iyon.
At siguradong gugulo pa ang buhay ko sa mga darating ng araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/236333864-288-k9421.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...