Kabanata 32

11.3K 658 158
                                    

Happy father's day sa lahat ng tatay at nay-tay 😊

CELESTE

"Argggghhhh!"

"Celeste!" halos sabay ang sigaw ni Roro at ang pagdaing ko mula sa isang malakas na pagsuntok ni Shiva sa mukha ko.

Ang totoo ay walang lakas ang suntok ni Shiva. Hindi mabigat ang kamao niya pero umaagos ang dugo sa mukha ko dahil sa nakalagay na metal knuckle duster sa kamao ni Shiva.

Humigit ako ng hangin at kusa akong dumura ng dugo mula sa basag kong labi.

Nakatali ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid at ganun din si Roro na nasa tapat ko at nagwawala.

Napangisi ako makita ang dugong umaagos sa kamao ni Shiva. Kundi pa dahil sa bakal sa kamay niya ay hindi niya kami magagawang saktan.

Pilit ko na inaangat ang ulo para salubungin ang tingin ni Shiva at mas lumapad ang ngisi sa labi ko.

"T-Tapos kana? K-Kahit anong g-gawin mo, wala kang mapapala sa akin."

"Bitch!" galit at gigil na sigaw ni Shiva sabay suntok ulit sa mukha ko.

"Tama na! Ako na lang!"

"Shut the fuck up! Parehas kong babasagin ang mga mukha niyo! Lalo kana sisirain ko ang mukha iyan hanggang hindi ka na makilala ni Hunter!" nagngangalit ang mga ngipin ni Shiva.

At dama ko ang bawat galit sa pagdampi ng kamao niya sa mukha ko. Halatang pinag-iinitan niya ako sa mga nalaman niya at mas natutuwa akong inisan siya.

Sa wakas, sa tagal nang pagtitiis ko na makita ang paglalampungan nila ni Hunter ay magagawa ko ng ipamukha kay Shiva na isa siyang malaking tanga.

Dumura ako ng dugo sa mukha ni Shiva at nagtagis ang mga ngipin na nakatitig sa ganiyan.

"Galit na galit ka ba dahil alam mong niligtas ako ni Hunter kay Mr. Smith? O nagagalit ka dahil nalaman mong ginamit ka lang namin?"

"I do hate you at any reasons! Bitch! I want you taste my anger," marahas niyang hinila ang panga ko at piniga iyon na halos bumaon ang kuko niya sa balat ko.

"I hated you for being traitor and I'm fucking mad how you steal Hunter from me!"

"Arggghhh!"

"Celeste! Tama na!"

"Shut up!" sabay baling ni Shiva kay Roro at siya ang pinaginitan nito.

"And if you think Hunter can save you again, stupid bitch! I won't let him do that."

"Tss! You're like a jealous girlfriend. Oooppps! Selos lang pala wala naman talaga kayong label!"

"Fuck you bitch!"

"Arrrghhh!"

"Tigilan mo na si Celeste!"

"Shut the fuck up, Roro. Don't you see how dumb you are defending her pero hindi ikaw ang gusto!" mulagat ang mga matang sigaw ni Shiva kay Roro.

Nakatingin sa akin si Roro kung saan ay umigting ang panga niya at nannubig ang mga mata.

"Ano? Magpapakatanga para kay Celeste? You can survive with it, Roro kapag nakipag cooperate ka sa akin." pagsuhol ni Shiva kay Roro.

Umiling ako sa kaniya at mapait ang ngiti ni Roro na tinignan si Shiva.

"I can't. No one can dethrones my love for her." sabay tingin ni Roro sa akin na kinapait ng ngiti ko.

"You can never ruin a trust that builds by pain, Shiva. It's powerful than a love you gain with happiness."

"Fuck you!"

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon