CELESTE
"Hunter!" I'm panting over my nightmares. I sat down and held my chest to control my breathing, but I can still sense the strain.
It seems like enemies have driven me into death, and sweat is visibly forming on my forehead.
I vividly recall my dreams; it feels natural with prevailing pain, and tears exist in my eyes. Fear is eating away at my system, and the horror of my past is dragging my senses into undeniable care and protection for my daughter.
My eyes find and reach Luna's spot, but a broad frame of a guy blocks her into my sight.
Bigla akong nag-alala para kay Luna, natakot ako sa pwedeng gawin sa kaniya ng lalaki at doble ang kaba at pag-iingat ko para sa kaniya.
Mabilis akong tumayo at agad na dinampot ang gunting. Maingat ang bawat hakbang ko para saksakin mula sa likod ang lalaki--- pero bago ko pa maibaon ang gunting sa likod niya ay mabilis niyang nahawakan ang pulso ko.
Mulagat sa gulat ang mga mata, hindi lang dahil sa haba ng braso niya kundi dahil sa talas ng pakiramdam.
Marahan siyang humarap sa akin at walang emosyon ang mga matang nakatitig. Kuminang pa ang salamin niya at marahan iyong inayos ng mahaba niyang mga daliri.
"Having a blur vision multiply my senses and it helps me to move swiftly." sabay balibag niya sa pulso ko at kusa kong nabitawan ang gunting.
"And mind you where you are. Nasa teritoryo ka namin kaya matuto kang lumugar." walang gana ang mga tingin niya sa akin.
Napasinghap ako pero matatag ang tingin ko sa mga mata niya, "Anong binabalak mo kay Luna huh? Sasaktan mo---"
"You're such a joker, Celeste. Anong gagawin ko sa isang paslit? Hindi ako pumapatol sa mga taong walang laban at basta hindi sagabal para sa'kin. Kaya umalis ka sa daan ko." humakbang siya at hinarang ko muli si Nero.
Dinig na dinig ko ang sariling paghinga, ang malalim kong paghugot ng hangin.
"Hindi, hanggang hindi ko nasisiguradong ok ang anak ko."
"You're odd and paranoid, Celeste. I don't have anything to do against your daughter." sabay lingon niya kay Luna at sumunod ang tingin ko.
Kinakabahan at nag-aalala akong humakbang palapit kay Luna at sinuri amg bawat katawan niya. Hindi ako mapalagay at natataranta.
Natatakot ako para kay Luna, para sa kaligtasan niya at sa pwedeng mangyari sa kaniya. Ayoko! Ayokong maranasan niya ang mga pinagdaanan ko.
Hindi ko kakayanin kung pati si Luna ay maabuso ng ibang tao.
"L-Luna," sabay na nanginginig ang labi at kamay ko.
Kumislot si Luna mula sa pag-istorbo ko sa pagtulog niya at gusto kong kalasin ang mga aparatong nakakabit sa kaniya.
"Kapag inalis mo yan, magiging delikado para sa kaniya. You better let this stuff in her body."
"H-Hindi, uuwi na kami. Iuuwi ko na ang anak ko." natataranta kong sagot at mabilis na hinawakan ang mga hose pero agad akong na unahan ni Nero.
Marahas pero magaan ang kamay niyang hinila ako palayo kay Luna.
"Bitawan mo ako!"
"Calm down, you are terribly shaking, seize up." he commented and I couldn't help my hands to tremble.
"I-I can't---" sagot ko at kusang nanginginig ang buo kong kalamnan. Bigla rin akong nabibingi sa sariling iyak at hindi ko mapigilan ang umupo habang sumisigaw.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...