Labadabaday! Ito muna siguro ang UD ko. Huhu! Medyo tambak na ako ng gagawin kaka-Wattpad. Pero keri lang, masaya naman ako magbalik loob. Hahah.
Hope you enjoy ❤️
CELESTE
"Kahit kailan talaga sakit ng ulo ko 'yang si Hunter at mga ka-grupo niya! Arrrrrgghh! Kuso!" nagwawalang tinabig ni Spiderus ang lahat ng gamit na mahawakan at makita niya.
Nahulog at nabasag rin ang ilan sa mga mamahaling vase at figurine na siyang kinagulat ni Hera. Halos tumalon nga si Hera nang muntikan na siyang tamaan ng mga gamit.
"Master, kumalma kayo. Hindi nakakatulong kung papairalin n'yo ang inis at galit."
"Sabihin mo paano ako kakalma kung hanggang ngayon ay buhay pa rin si Hunter at mga kasama niya!"
"Hindi naman sila magiging sagabal."
"Hindi?! They still have Shiva! And we can start without her! Nag-iisip ka ba, Hera?!" umugong muli ang boses ni Spiderus sa buong silid at mulagat ang .ga mata niya. Kitang-kita kung gaano kagalit ang ugat niya sa lalamunan.
Mula kahapon na makabalik siya ay hindi na lumamig ang ulo ni Spiderus. Puro katangahan at masasakit na salita ang namutawi sa bibig niya para sa mga tauhan na kasama.
It looks like she failed from killing Hunter and all. I smiled bitterly and let a deep sigh escape from my mouth.
He's still alive and he must. Hindi pa niya oras para mamatay. Hindi siya pwedeng mamatay.
"Inutusan ko na ang mga tauhan para hanapin ulit sila at bawiin si Shiva." Hera commented as she wants Spiderus to calm down over her oozing anger. I smiled bitterly knowing that they still need Shiva for their own good and unluckily, hindi nila nakuha si Shiva sa panig ni Hunter. Isang bagay lang ang sigurado ako ngayon, wala na sila sa bahay ni Hunter at sigurado ako na kundi man sa bahay nila Drake ay na sa hideo out silang lahat.
But I am more worried for Hun Hun and to her child. Inisip ko kung ano na ang mga nangyari sa mga alaga kong hayop sa bahay. Kung isinama ba sila ni Hunter paalis ng bahay o baka- h-hindi, ligtas naman siguro sila.
"Tell them that I want him alive! Ako mismo ang papatay sa isang 'yan. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nilalagutan ng hininga 'yang si Hunter." gigil na utos ni Spiderus at umugong ang takong ng suot niyang sapatos habang nilalandas ang daan patungo sa isang aparador na may malaking salamin. Hinawi niya iyong salamin at bumungad muli sa harapan ko parehong espeda na hindi ko kailanman makakalimutan.
Kusang nangtal ang labi ko ng marinig ang pagkalansing noon sa hangin ng alisin ni Spiderus ang katana mula sa lalagyan nito. Mariin rin akong pumikit para pigilan ang sarili na malunod mula sa mapait na nakaraan pero kahit ano'ng gawin ko, malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko kung paano nilagutan ng katanang hawak nila ang nag-iisang babae na minahal ko.
"At kung hindi ko iyon magawa, Hera. Handa ka bang patayin si Hunter para sa akin?" lumunok ako sa naging usapan ni Hera at Spiderus. Higit lang din na nagwala ang puso ko at bilog na bilog ang matang nakatitig sa mga kamay nila.
Mga kamay nila na unti-unting naglapat at nagsalubong hanggang sa dalawa na silang hawak ang katana.
Nagbago na rin ang reaksyon ng mga mata nila kung saan ay parang bula na naglaho ang mga talim at unti-unti iyong naging malambot sa isa't isa.
"Kahit na ano, gagawin ko para sa 'yo. Kung buhay ni Hunter ang magbibigay ng katahimikan sa'yo, ibibigay ko." maamong sagot ni Hera at matamis ang naging ngiti ni Spiderus.
Dama ko ang kakaibang tensyon kung saan ay nakumpirma ko ang tunay nilang ugnayan at relasyon mula sa paraan kung paano bumaba ang mga tingin nila sa labi ng bawat isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/236333864-288-k9421.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
Ficção GeralWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...