RORO
Bumalik ako sa bahay na basang-basa mula sa malakas na buhos ng ulan. Bumalik ako na walang kasama. Bumalik ako na wala na si Celeste.
Wala na siya. Wala na si Celeste at hindi ko alam kung kailan ko ulit pwedeng marinig ang boses niya. Kung may pag-asa pa bang makasabay ko siyang tumawa kung sa bawat paglipas ng mga araw ay alam kong pwede niyang ikapahamak.
"Roro," mulagat na bungad sa akin ni Shiva at natataranta ang mga paa niyang bumaba mula sa itaas.
Agad din napansin ng mga mata ko ang malikot na paningin ni Shiva. Nakatingin siya sa likuran ko at tila may hinahanap. Mapait akong ngumiti at napailing sa na isip.
"Hindi ko siya kasama," pagkumpirma ko na siyang kinatigil ni Shiva.
Malalim ang paghinga niya at lumunok din siyang nag-iwas sa akin ng tingin.
"Mabuti naman. Hindi naman siya kailangan." mataray niyang sabi at napangisi ako ng talikuran niya ako.
"Really, Shiva? Iyan ba talaga ang gusto mong sabihin?" natigilan siya sa paglalakad at ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako ulit hinarap.
Malaki ang mga mata niya at sa bawat segundong pumapatak ay paglunok ni Shiva. Kasama niyang nilulunok lahat ng totoo niyang nararamdaman para kay Celeste.
"O-Oo, mabuting wala na siya at hindi na bumalik pa nang wala ng sagabal sa amin ni Hunter." sabay irap ni Shiva at ngumisi ako.
"Talaga ba? Wala kang pakialam may Celeste? Kaya pala pinasundan mo siya sa akin nang pag-initan siya ng lola mo kasi natakot ka na mapahamak siya. Kaya pala nagpasama ka sa'kin na sumugod sa kuta ni Mr. Smith para iligtas siya mula sa pagtatangka na pagsamantalahan siya. Kaya pala sa tuwing-"
"Shut up, Roro! That's not true! Na-misinterpret mo lang ang mga inuutos ko!" tumaas ang boses ni Shiva pero higit na naging pula ang mga mata niya at naging malalim ang bawat paghinga.
Oo, kahit anong tanggi gawin ni Shiva, hindi niya maitatago sa akin na umpisa pa lang natutunan niya ng pahalagahan si Celeste. Simula pa man noon, dalawa si Hunter na panay ang utos sa akin na sundan at bantayan si Celeste.
Dahilan kung bakit kahit kailan hindi ko nagawang alisin ang tingin ko kay Celeste. Utos mula kay Hunter at utos mula may Shiva ang naging dahilan kung bakit mas nahulog ako sa kaniya at hindi siya mahirap mahalin. Hindi mahirap mahalin ang katulad ni Celeste.
"Admit it, Shiva, you care a lot about her. Kinakain ka lang ng selos mo dahil kay Hunter."
"Tumigil kana sabi!"
"Admit it, Shiva. . . In evil, there is kindness and it lies in your hands. You are the dark with a bright spot to change for good. Give it a rest, Shiva. You don't need to hate someone for a single deed. You are both in pain, you need each other to balance each other misery and survive this battle."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo at higit sa lahat wala akong pakialam kay Celeste." ilang beses siyang kumurap at nagtatagis ang mga ngipin niyang sagot sa akin.
"Kaya pala nandito ka at kasama ka namin,"
"I'm here for Hunter."
"You are here for Hunter and to throw her evilness, that's why you stay here kahit alam mo na hindi ikaw ang gusto niya."
"Shut the fuck up, Roro! I can kill, Celeste if it's the only way to own him."
"Then I'll wait until you face each other again, dahil sigurado ako na kahit ikaw mismo ay hindi mo magagawang saktan si Celeste." ayokong pangunahan ang mga sitwasyon pero ayoko rin matulog at matakot na paggising ko mangyari lahat ng mga posibilidad at talikuran kami ni Celeste.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...