AN: Natatawa ako sa taguan ng anak. Huuuuy! Kalma, weird wowa niyo eh kaya di ako mag pa-promise. Hahaha! I love you and thank you for all you comments, votes and supporn <3
CELESTE
"Good, you two are here. Akala ko wala na kayo balak pang bumalik."
Sumalubong sa amin ni Roro ang mataas na kilay ni Shiva, kasunod nun ay ang pag tayo ni Pyry--- hudyat na tapos na silang mag usap.
Madalas sila magkausap ngayon sa mga negosyo. Si Pyry ang nagiging tulay para maibigay ni Aomine ang mga impormasyon na kakailanganin ni Shiva para umusad ang negosyo nila.
Hindi pa maganda ang pakiramdam ko pero tama si Hunter, hindi kami pwedeng mawala ng matagal ni Roro. Kailangan namin mabantayan mabuti ang mga susunod na hakbang ni Shiva.
Tulad na lang ngayon na hindi man lang namin narinig ang naging usapan nila ni Pyry--- na baka may kailangan na kaming gawin.
"Aalis na ako. Hihintay ko na lang kayo sa RD."
"Pakisabi kay Wowa that I'll take charge of everything. Whatever she's working with ay mag focus na lang muna siya doon." tumango si Pyry at agad din na lumisan.
"At kayong dalawa, gumayak kayo. Aalis tayo."
"Agad?" tanong agad ni Roro at higit na tumaas ang kilay ni Shiva.
Kanina pa ako sinasabihan ni Roro na mag stay muna sandali sa hospital at mag pahinga pero ako na mismo ang nag pumilit na umalis--- kaya sigurado ako na kontra siya sa gustong mangyari ni Shiva.
"Yeah, do you have any problem?"
"C---"
"Wala. Gagayak na kami." putol ko agad sa gustong sabihin ni Roro at hinawakan ko ang kamay niya para hilahin palabas.
Napansin ko pa na bumaba ang tingin ni Shiva sa kamay namin pero hindi siya ang problema ko.
"Talaga bang susunod ka---"
"Sumunod kana lang."
"Pero Celeste----"
"Kung mag mamatigas ka lalo lang tayo ma iipit. Kaya please... huwag ka ng kumontra." sabay bitaw ko sa kamay niya.
Habang tumatagal mas magiging delikado ang sitwasyon namin ng anak ko--- kaya bago pa man siya tuluyan na lumaki ay kailangan ko ng kumilos.
"Bakit? Bakit ka pa rin nag papatuloy? Hindi mo ba isip ang sinabi niya. H-hindi i-ikaw... wala siyang pake sayo." natigilan ako ng hawakan ni Roro ang pulso ko.
Nagsusumamo ang mga tingin niya sa akin at mapait akong napangiti.
Hindi niya maiintindihan at hindi nila maiintindihan kung bakit hanggang ngayon kumakapit pa rin ako kay Hunter sa kabila ng lahat.
Wala ni isa sa kanila ang makakapag bago ng isip ko--- hindi dahil sa martyr ako... matagal ko ng tanggap, matagal ko ng alam na kahit na anong luhod ko sa harapan ni Hunter, hindi ako ang babae na kayang magpabago ng isip niya---- pero hindi ko siya iiwan ng mag isa.
Laban naming dalawa 'to at talikuran man siya ng lahat--- mananatili ako sa tabi niya.
"Kahit ipaliwanag ko, hindi mo ko maiintindihan. I'm sorry." marahan kong inalis ang kamay niya sa akin at muli siyang tinalikuran.
Katangahan?
Kabobohan?
Tawagin at sabihin na nila ako ng lahat ng masasakit na salita pero wala sinoman ang makakasira ng tiwala ko may Hunter.

BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...