CELESTE
Matapos kong ayusin at isilid sa kahon ang ilan sa mga gamit ko ay inayos ko naman ang mga dadalhin kong gamit para kay Luna. Ang totoo ay mga pinaglumaang gamit ko lang ito, mga pang sapin sa likod at ilan mga malalambot na kumot.
Dadalhin ko rin kay Luna ang paborito kong teddy bear. Gusto ko na maramdaman niya ang yakap ko kahit malayo ako sa tabi niya. Humahanap lang ako ng pagkakataon na makatakas dahil buong magdamag na gising si Hunter kagabi.
Naghihilik na si Roro at ang pwet ni Shiva pero dilat na dilat pa rin ang mata ni Hunter kagabi. Ako na nga lang yung inantok kakahintay kung anong oras siya matutulog kaya hindi ko nagawang tumakas para dalawin si Luna.
Ngayon ko balak umalis, dadaan din tuloy ako ng mall para mabilhan ng bagong damit at gamit ang Luna ko.
May pera naman ako, may sarili akong ATM mula kay Hunter and I never heard any complain from him kapag bumabawas ako sa bangko. A bright side to use it for our Luna. Hindi naman siya pala check sa pera at hindi big deal sa kaniya iyon.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko pa si Roro na pababa ng hagdan, "Roro," tawag ko sa kaniya at agad siyang natigilan.
Kanina ko pa siya hinihintay na kumatok sa kwarto ko. Balak ko kasi siyang kausapin ng solo at hindi magandang idea kung dito iyon sa sala dahil nandiyan lang si Shiva sa tabi tabi.
"Good morning, Celeste. Maganda pala ang umaga kapag ikaw ang unang nakikita." biro niya at natatawa akong sumunod sa kaniya.
"Bakit di ka kumatok sa kwarto ko?" tanong ko ng makarating ako sa tapat niya at sabay kaming bumaba.
Agad nga lang siyang natigilan at malalim ang paghinga na lumingon sa likuran. Sinundan ko ng tingin ang tinitigan ni Roro at naabutan ko si Hunter na halos kakalabas lang ng kwarto niya.
"Kanina pa siya gising pero labas-pasok lang siya sa kwarto niya at sa daan papunta sa kwarto mo." sabay kibit balikat na sabi ni Roro at tumango na lang ako.
Sa ibang pagkakataon ko na lang siguro sasabihin kay Roro ang dahilan ko kung bakit ako bumalik sa bahay ni Hunter. May kailangan pa akong gawin at alam kong maintindihan ni Roro ang pagbalik ko kapag naipaliwanag ko na sa kaniya ang lahat.
"Anong plano mo today?"
"Gusto kong bumili ng gamit ni Luna." mahina kong bulong kay Roro.
Nagkatinginan kaming dalawa at nagpalitan ng matatamis na ngiti, "Maganda yan, sama ako." sabi niya at itinaas ang kamay para siguro guluhin ang buhok ko.
Kaso bigla na lang natabig ang kamay ni Roro at halos mahulog siya sa biglaang pagdaan ni Hunter.
"Ro---"
"Wag kayong humarang sa daan, at ikaw," sabay lingon sa akin ni Hunter.
"Anong oras na pero wala pa ring almusal. Mag luto kana dun." sabay turo ni Hunter sa kusina at wala sa loob akong tumango.
"Sige, magluluto na ako."
"Samahan na kita---"
"Linisin mo yung kalat dito sa bahay."
"Walang kalat. Malinis lahat." simangot na reklamo ni Roro at totoo naman na walang kalat.
Naglilinis si Hunter ng bahay. Ang totoo kakalinis niya lang kagabi habang dilat na dilat ang mata niya sa buibg magdamag. Wala na nga siya magawa kagabi kaya pwede ka ng magsalamin sa hagdan sa sobrang kinang.
"Ayan oh." sabay tabig ni Hunter sa vase. Tumalon pa ako sa gulat ng mabasag iyon.
Shit! Ang mahal nung vase na yun. Kaming dalawa ang bumili noon sa art auction.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...