Kabanata 51

10K 607 77
                                    

SHIVA

"M-Mama," nanginginig ang labi kong tawag rito kahit pa alam ko na hindi niya ako naririnig.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si-Sigurado ako si mama ito. P-Pero p-paano... paanong nandito pa ang katawan niya, katawan na mukhang hindi man lang napaglipasan ng panahon at hindi man lang naagnas ang katawan niya sa kabila ng kawalan ng hangin sa katawan.

Nagliliyab ang bawat sulok ng mga mata ko at dinig ko ang sariling paghinga. Ang bigat sa bawat pagpintig ng puso ko na siyang dahilan kung bakit hindi ako makahinga ng maayos. Nanginginig rin ang mga tuhod at kamay ko pero nanigas ang buo kong katawan.

Wala akong lakas para humakbang at tulala sa mga nakalatag sa harapan ko. H-Hindi, imposible! Hindi pwedeng si mama ito. Matagal na siyang patay kaya malamang ay isa na lang siyang kalansay at naagnas na sigurado ang katawan niyang lupa.

"H-Hindi, h-hindi t-totoo. Hindi si m-ma—" bigla akong nanghina at hindi ko maiwasan ang paglambot ng mga tuhod.

Kulang na lang ay bumagsak ako sa sahig pero nagawa ko pang saluhin ang sariling timbang. Iyon nga lang ay aksidente kong natabig ang ilan sa mga gamit na gumawa ng ingay mula sa pagkahulog.

P-Patay na si mama. Kaya hindi niya bangkay ito. Hindi niya katawan ang na sa harapan ko dahil wala akong makitang dahilan para i-preserve ang katawan niya. Para panatilihin na maayos ang buo niyang katawan.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin.

Nababaliw na yata ako at nahihilo ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin o tamang gawin. Na kung bakit kailangan itago ni Wowa ang katawan ni mama, na kailangan niya i-preserve ang bangkay nito at—

"SEALD virus will destroy human body in different ways. Ilalagay natin ang mga virus sa iba't-ibang produkto para hindi maging mainit sa mata ng tao ang tungkol sa virus. It can be in a food to slowly ruin the internal organs, or maybe a beauty products to  damage the skin. In that case, magagamit na natin ang SEALD to rule the world by gaining the elites trust and power in exchange of  eternal life to paradise."

We created the SEALD virus for the destruction of humanity. Target ang mayayaman to invest in our company and grabe thlifee insurace towards the paradise and assurance of wealth for lifetime enjoyment. A-Ang ibig sabihin ba n'on—

"Damare! I know it works. We have Shiva's blood in her! Kaya kahit ubusin ko ang lahat ng babaeng ka-edad ni Shiva, gagawin ko mahanap lang ang pangalawang Shiva!"

H-Hindi, hindi kaya na ang sinasabi nilang pangalawang ako, na si Celeste ay—

Si Celeste! Si Celeste kailangan ko siya mabawi. Kailangan ko siya makausap bago pa ako mahuli. Kailangan ko iligtas si Celeste.

Ilang beses akong kumurap at hindi na ako nagsayang ng oras para sana lumabas na sa kwarto pero bago pa ako makagalaw ay natanaw ko na ang anino mula sa likod ko at sa isang iglap kasabay ng pagkamulagat ng mga mata ko ay humampas mula sa batok ko ang isang mabigat na bagay na siyang tuluyang bumawi sa ulirat ko.

H-Hindi, hindi pwede. K-Kailangan ko iligtas si C-eleste.

CELESTE

I heard a strange noise and I immediately halt and slid off from my bed. I walk out of my room to follow the commotion. I'm not pretty sure where it comes from, but it seems it came from a room three doors away from mine.

I stop in front of it and my heart pounded so hard, my throat dried up, and my breath becomes delicate for unknown reasons. Unconsciously, I become uncomfortable with the tension I felt from my system, but the door piques my curiosity to see what lies behind the door.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon