Kabanata 33

14.8K 882 473
                                    

Ito talaga pambati ko kay Hunter, Happy Daddy's day, Hunter 🌙

SHIVA

"Miss me?" ngising bungad ko kay Hunter ng dumating siya.

Casual ang tingin niya sa akin. Diretso ang mga paa na tumuloy papasok sa loob ng bahay niya.

Nagngangalit pa rin ang kalooban ko na malaman na pinaikot lang ako ni Hunter. Pinaniwala niya mahal niya ako but the fuck!

He used me to all his plan, but what worst on it is I'm feeling devastated by the way he tore my heart of pain. Mainit ang mga mata kong nakatitig sa kaniya habang nagsasalin ng champagne.

"Here, let's have a drink first." sabay lapag niya sa lamesita ng baso at umupo siya sa tapat ko.

Kung umasta siya ay parang walang nangyari. Na parang ang lahat ay umiikot pa rin ng normal. I hate him! I hate him so much!

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit nandito ako sa bahay mo? Hindi ka ba na supresa man lang?" mapait kong tanong sa kaniya kung saan ay komportable siyang sumandala at pinag-krus ang mga paa.

Nag-angat ng tingin si Hunter at tulad noon ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Cause you miss me. Hindi ba iyon naman talaga ang dahilan kung bakit mo ko dinalaw?"

"Really? How you manage to talk to me that way after all your betrayal!?" galit kong sigaw at nagliliyab ang puso ko sa sobrang galit.

Kundi pa ako sinasabihan ni Wowa tungkol sa pagsususpetiya kay Celeste ay hindi ko pa malalaman na may koneksyon siya kay Celeste.

I saw how he saved her from Mr.Smith. I saw how he protects Celeste that day dahil nandun ako. Nandun ako mismo at nakita ko silang dalawa.

I know those stares that mean a lot, a stare that he can't even give to me. Ang mga kapit at hawak nila sa isa't isa ay sapat na para malaman ko ang pag traydor nila sa akin.

Well, thanks to them dahil kundi dahil sa kanila ay malamang na sira na ang buong plano namin ni Wowa.

"I didn't betray you, Shiva. I'm doing you a favor." sabay inom niya ng champagne at umangat ang isang sulok ng labi sa akin.

"Huwag mo na akong paikutin! I know you are connected with Celeste! You plan everything para makapasok at mag espiya si Celeste at Roro sa puder ko!"

"I admit, hindi ko itatanggi yan, Shiva. Tauhan ko si Roro at Celeste."

"Don't fool around, Hunter. Why don't you admit that Celeste is more than your fucking puppet!?" sigaw kong muli at hindi ko na pigilan ang tumayo.

Hindi ako makahinga, nasasaktan at nanghihina ako na makita si Hunter. Na sa tagal ng panahon, sa kaniya lang ulit ako kumapit, nagtiwala at sumubok na mag mahal pero ano?

Niloko niya ako, ginamit at pinagmukhang tanga.

"Masyado kang nagseselos, mahal ko." nakangiti siyang sabi at bumilog ang kamao ko.

Gusto kong maniwala pero hindi dapat. Hindi ako dapat magpadala sa mga pambobola niya. Pinapaikot niya lang ako at walang katotohanan ang lahat.

"Stop it, Hunter. We're over. Pumunta alo rito para sabihin sa'yo na hawak ko si Celeste."

"Oh, buti naman." kumunot ang noo ko sa sinabi niya at parang hindi siya apektado sa mga sinasabi ko.

Hindi ito ang inaasahan kong reaksyon ni Hunter. Buong akala ko ay magwawala siya, sasaktan niya ako at hihingin ang kaligtasan at kalayaan ni Roro at Celeste.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon