Flashback muna tayo sa side story ni Hunter para naman makabawi ako sa basher ni Hunter. Haha. Charrr! Pero di po buhay si Liam. Sino nagsabi n'on? Haha!
HUNTER
Nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang taas ng lagnat ko. Idagdag mo pa ang walang humpay na pagkalam ng sikmura ko at pamimilipit sa hapdi ng tiyan.
May tatlong araw na kami na hindi kumakain at sa kakahanap ng masisilungan sa panahon ng tag-ulan ay hindi ako nakaligtas sa sakit. Mabigat ang paghinga ko na umangil at umiyak sa sobrang hirap. Hindi na rin ako makahinga ng maayos at wala akong ibang naging sigaw kundi ang pangalan niya.
"A-Ate. . ." umiiyak kong tawag sa kaniya pero mukhang hindi pa siya nakakabalik. Mabigat man ang mga mata ay pilit kong idinilat iyon para makita ang kalagayan sa labas.
Tanging malaking lona lang ang bubong na pumoprotekta sa akin laban sa malakas na buhos ng ulan. Karton at mga plastic naman ang nagsilbing sapin at dingding at mga kahoy at sirang kagamitan mula sa basurahan ang naging haligi sa apat na sulok na kinalalagyan ko.
Sa gilid ng dumpsite kami naninirahan. Kapag umuulan, umaamoy ang bundok ng mga basura. Minsan ay inaanod pa iyon papunta sa amin.
"A-Ate—argh!" sigaw ko sa sakit at halos tumirik ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang pagdedeliryo at pangingisay.
Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa sobrang init na tila niluluto ang buo kong katawan at isip.
"H-Hunter! Hunter! Nandito na si ate, Hunter! Diyos ko, 'wag kang pipikit. Inumin mo 'to, nakakuha ako ng gamot. Hunter! Hunter!" naramdaman ko ang pagpigil ni Ate sa katawan kong nangingisay habang pilit niyang pinapainom sa akin ang mga gamot.
Hindi ko na maintindihan ang mga nangyari sa paligid ko pero isang bagay ang sigurado ako. Nandito na si Ate at hindi niya ako iniwan. . . lumuluha rin ang mga mata niya o baka dahil lang sa basang-basa siya mula sa ulan.
Hindi ko alam. Wala na akong alam sa mga nangyayari hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkalma ng sarili kong katawan mula sa pangingisay at ang kakaibang ingay mula pagwawala ni Ate.
"Ayan! Siya nga 'yong nag-snatch ng bag 'ko. Hulihin n'yo 'yan. Magnanakaw ang batang 'yan!"
"Maawa na po kayo! Kailangan ako ng kapatid ko! Maawa na po kayo, ibabalik ko rin iyong pera! Kailangan lang ng gamot ng kapatid ko!"
"A-Ate. . ."
"Hunter! Hunter!"
"Sige dalhin n'yo na ang batang iyan." pinilit kong gumising at bumangon para makita ang nangyayari sa paligid ko.
Nagpupumiglas si ate mula sa pagkakahawak ng dalawang pulis habang may isang babae na galit na galit siyang sinisigawan at nakita ko pa na hinampas siya ng dala nitong bag.
"A-Ate. . ."
"H-Hunter babalikan kita. Babalikan ka ng ate. Sandali lang! Ano ba bitawan niyo ako. Iyong kapatid ko, kailangan niya ako. Maawa na po kayo!" sabay kagat ni ate sa kamay ng mga pulis at mabilis siyang tumakbo sa direksyon ko.
Ibinalot pa niya sa kamay ko ang isang bagay at marahan akong hinalikan sa noo.
"Magpagaling ka, huh? Lumaban ka, kumain ka at huwag kang—"
"Hulihin n'yo na at baka tumakas pa!"
"A-Ate—"
"Bitawan n'yo 'ko. Sandali lang, iyong kapatid ko kakausapin ko lang!"
"Halika na!"
"Ate!" wala akong nagawa. Hindi ko siya mahila pabalik sa akin. Hindi ko siya mapagtanggol dahil mahina ako at ang tanging alam ko lang ay umiyak at maghintay sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...