Kabanata 60

13.7K 740 450
                                    

CELESTE

"Pero ako kaya kong patayin ka." sabay tarak ko ng patalim mula sa likuran ni Hera.

Marahas siyang humagok mula sa lalim ng pagbaon ko ng patalim. Mabigat ang paghinga niya habang unti-unting lumuwag ang hawak niya sa katana. Kumislot pero tila hindi siya makakilos mula sa pagkagulat kaya agad kong ipinulupot ang isa kong braso sa leeg niya. Bababawiin ko unti-unti ang kaunting hangin na siyang kinakapitan ni Hera at gusto ko masaksihan mismo kung paano siya mahihirapan.

"There's nothing wrong with giving your best for someone pero may nakalimutan ka na isang bagay... you have to make your own decision that no one can stop you." inilapat ko ang labi sa mismong tainga ni Hera at mapait ang ngiti ko na sinalubong ang tingin niya mula sa repleksyon sa salamin.

"At 'yan ang pinagkaiba natin, Hera. Dahil kahit ano'ng gawin ni Hunter, hindi niya ako kayang pigilan na patayin ka." higit kong binaon ang patalim sa likuran niya at marahas ko iyon pinaikot nang higit maramdaman ni Hera ang galit na matagal ko ng kinikimkim sa kaniya hanggang sa maramdaman ko mismo ang unti-unting pagkadurog ng laman loob niya. Hindi ko maiwasang ngumisi ng mula sa salamin ay tanaw ko ang galit at pulang ugat sa mga mata niya.

"Pagmasdan mo ang mga mata ko, Hera. Dahil gusto ko na sa mga huling sandali mo ay ako pa rin ang magiging bangungot mo." dumaloy ang dugo sa niya sa kamay ko at tuluyan pumatak ang luha niya sa sobrang hirap.

"Kulang pa 'yan sa pasakit na ibinigay mo sa sarili mong mga anak." marahas kong hinila ang patalim mula sa laman niya kung saan ay kita ko mismo ang pagsabit ng balat at laman ni Hera, ang pagtalsik ng dugo at ang tuluyan niyang pagsuka ng dugo.

"A-"

"At ito, bilang kabayaran sa buhay ni mama!" mariin at puno ng galit ang bawat salitang binitawan ko habang walang alinlangan na kumilos ang kamay ko para laslasin ang lalamuna ni Hera. Tila bumagal ang ikot ng mundo at saksi ang mga mata ko kung paano lumangitngit ang talim mula sa balat niya hanggang sa tuluyang pumutok ang ugat sa lalamunan ni Hera, ang pagtalsik at pag-agos ng dugo mula roon na pilit niyang pinipigilan.

"A-Ack-" bumagsak ang mga tuhod ni Hera sa sahig kasabay ang pagbitawa niya ng tuluyan sa katanang pumaslangan sa buhay ng taong tinuring akong anak sa kabila ng totoo kong pagkatao.

Mainit at nangingilid ang luha kong pinulot ang katana at lumakad ako patungo sa harapan ni Hera. Naghihingalo habang tukop-tukop niya ang sariling lalamunan. Hinahabol ang sariling hininga at pilit na isinasalba ang sarili sa nalalapit niyang kamatayan.

Her mouth fell open, and she almost crawled to beg with her own life. I tightened my grasp over her weapon, and my heart was loaded with wild rage from vengeance and pain. My eyes became a faucet of tears, and I smiled bitterly.

"Y-Yui... m-maaw-a-ac..."

"Too late, Hera." mahina kong sambit bago ko tuluyang pinaglandas ang katana mula sa hangin patungo sa leeg ni Hera para tagpasin ang ulo niya. Tulad nang gabing iyon, muli kong nasaksihan ang paggulong ng ulo na humiwalay sa sarili niyang katawan at ang walang tigil na pag-asgo ng dugo mula rito.

"It's too late to regret." wala sa loob kong binitawan ang katana na siyang kumalansing at umugong ang talim niya sa buong silid. Mapait ang ngiti kong hinarap si Hunter at muling nagtama ang mga tingin namin. Bakas ang magkahalong sakit at lungkot sa mga mata niya pero hindi ko maramdaman ang galit o pagkamuhi niya mula sa ginawa ko.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon