CELESTE
Matapos ang masinsinang pag-uusap naming ni Hunter ay agad akong bumalik kay Shiva. Wala pa siya at mukhang natagalan ang naging lakad nila ni Roro. Mas mabuti iyon para magkaroon ako ng pagkakataon na kumilos.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sang-ayon sa naging desisyon at plano ni Hunter. May pag-asa pa, may nakikita pa akong pwedeng gawin para hindi na umabot sa punto na kailangan niyang magsakripisyo. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin kung saan ba talaga nilagay ni Shiva ang mga plano niya, nila at ng buong angkan niya.
Kaya hindi ako tumigil. Pursigido kong hinalungkat ang bawat sulok at aparador ng buong kwarto ni Shiva. Halos baliktarin ko na ang buong lugar. Pati mga paa ng lamesa at kama ay sinisilip ko nang matiyak na hindi ko makakaligtaan ang posibleng pagtaguan ni Shiva.
Pero tulad ng dati ay na bigo ako. Wala akong makita at hindi ko mahanap ang isang bagay na hindi ko naman talaga alam ang itsura. Kahit si Hunter ay walang ideya sa kung ano ang pinapahanap niya sa akin. Ang tanging alam lang naming dalawa ay nakasulat doon ang mga dahilan sa kung bakit kailangan nila patayin ang mama ko at bawiin kay Hunter ang nag---
Iwinilig ko ang ulo at hindi na nag-isip pa ng kung ano-ano. Mas mabilis ang naging kilos ko para ibalik ang lahat sa ayos.
Pinagpapawisan ako sa sobrang pagod. Dinukot ko ang panyo mula sa sariling bulsa at nahulog ang maliit na botilya.
Biglang lumaki ang mga mata ko. Agad akong napaatras at tinakpan ang sariling ilong at bibig para protektahan ang sarili mula sa SEALD virus.
Nakalimutan ko na ibigay kay Hunter ang nakuha kong sample kanina. Mas kinakabahan ako at natataranta na umatras patalikod. Natabig ko pa ang vase ni Shiva. Halos tumalon ako patakbo sa gulat na may halong takot.
Kung ako lang ay hindi ako natatakot na maapektuhan ng virus pero hindi ko maatim kung ang anak ko ay magkaka-diperensya dahil sa virus.
Halos madapa ako sa paglayo pero agad din akong natigilan sa napansin. Walang usok at wala rin amoy ang umalingasaw sa buong silid.
Hindi ko rin mabakasan ng kahit na anong kakaibang reaksyon ang tumapon na likido mula sa botilya.
Kumunot ang noo kong humakbang. Inalis ang takip sa ilong at muling nilapitan ang kumalat sa ilapag.
Hinawakan ko pa iyon at inamoy---
Tubig?
Tubig lang ang lama at siguradong sigurado ako na tubig lang ito at walang halo na kahit na anong chemical.
Hindi! Hindi pwedeng---- It's a fucking trap! Pain lang ang lahat at pwede silang mapahamak. Hindi sila pwedeng tumuloy sa misyon nila bukas. Mauubos sila Hunter at ang grupo niya.
Agad akong tumayo at nagmamdaling kinnuha ang cellphone ko. Sinubukan kong tawagan si Hunter habang mabilis ang hakbang ko palabas ng kwarto ni Shiva, "Shit! Sumagot ka---"
Huminto ang mundo ko nang bago ko pa mabuksan ang pinto ay kusa na iyong bumukas. Bumulaga sa aking walang emosyong mukha ni Shiva. Marahas akong humigit ng hangin at nagwawala ang puso ko sa klase ng mga tingin ni Shiva.
"Good you are already home, Celeste." casual niyang sagot at tumikhim ako.
Mag isip ka nang mabuti Celeste. Kialtisin mo ng maayos ang timpla ni Shiva, kung ano ang iniisip niya at ano ang pwede niyang gawin--- pero linitik! Nahihirapan ako dahil lumilipad ang utak ko para kay Hunter. Kating-kati ako na makaalis sa harapan ni Shiva.
"Yeah, nakapagluto na ako ng hapunan, pwede ka ng kumain." sagot ko at iwas ang tingin na humakbang palabas pero agad akong hinarang ni Shiva.
"Great! Baka gusto mo ko sabayan mag dinner."
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
General FictionWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...