Di na talaga bata si Roro hehe. College na siya dun sa kwento nila Rian. Hehe. Tyaka buong magkapatid si Roro at Rian sa nanay at tatay. Hehe. Yun lang!
Enjoy ❤️
HUNTER
"Where's my fucking food on the table!?" I yelled at a sitting-pretty and feel like a boss.
His feet lay on top of my center table while watching some documentaries. There's also a bowl of snacks in his lap and a lot of foods beside him, he also had a one-point-five coke on my couch.
Rian's brother is such a headache, a mess and he's getting on my nerves!
Lintik!
Para akong kumuha ng bato na ipinukpok ko sa ulo simula ng tumira ang mokong na 'to dito.
Ang lakas na ngang kumain, masyado pang ma-luho at mabisyo sa buhay. Magkapatid nga sila ni Rian at kulang na lang ay pasabugin ko ang ulo niya sa inis ko.
"Aling pagkain ba? Yung okoy?" walang gana niyang tanong sabay tungga sa bote ng coke.
Pigil na pigil akong pasabugin ang ulo niya sa asar. Hindi ko maatim na kinain niya yung okoy ko na binili ko pa sa may tapat ng eskwelahan para lang makakain ng okoy at makahigop ng suka.
Fuck him!
"Oo, kinain mo!?"
"Yeah, bili ka na lang ulit tutal mayaman ka naman." presko niyang sagot na hindi man lang inaalis ang tigin sa may TV.
Agad na kumulo ang dugo ko at maring napapikit, marahas kong dinampot ang remote at agad na pinatay ang TV.
"Tss! Hindi pa ako tapos manood. Wala ka bang manners? Oh ito GMRC book ko 'yan, mag basa ka ng tumalino ka naman." sabay abot niya sa akin ng libro ng walang tingin kaya agad ko iyong tinabig.
Nakuha ko ang atensyon niya but his eyes remain in his vague response, "What? Galit ka na naman? Wala ka na bang alam gawin sa buog araw kundi magalit?" he asked innocently but it is not funny to talk with this kind of guy.
Hindi ko ma isip kung anong lahi ba meron si Rivas at lahat yata ng anak niya ay pasasakitin ang ulo ko.
Nagkamali yata ako na binuhay ko pa ang isang 'to, sana hinayaan ko na pala siyang mamatay.
"Fuck! Sino nag sabi sa'yo na pwede mong kainin 'yun?"
"Wala namang pangalan kaya walang may ari."
"Pinipilosopo mo ba ako!?" asar kong tanong.
Kailangan ba lagyan ng pangalan ang pagkain para lang malaman niyang akin 'yun at hindi sa kaniya!?
"Hindi," sabay kagat niya sa mansanas.
"Kung nag lagay ka ng note na bawal kainin 'yun, hindi ko naman kakainin kaso wala diba? Kaya ibig sabihin para yun sa lahat ng taong nakatira dito."
"At hindi ka nakatira dito!" inis kong sigaw at gusto ko na siyang ibalik sa nanay at ate niya.
"Hindi nga pero kinidnap mo ako, kaya normal lang na pakainin mo ako." sabay lingon niya sa akin.
"Bobo ka pala talaga." ismid niyang sagot at naikuyumos ko ang kamao ko sa gigil.
Mariin pa akong pumikit pero sinubukn kong kalmahin ang sarili ko, kung wala lang talaga siyang pakinabang, matagal ko ng binaril ang ulo niya.
"Huwag mo na ulit pa-pakielaman ang mga pagkain ko lalo na ang okoy. Binabalaan kita." pagbabanta ko at sa susunod na mawala ang okoy ko sa lamesa ay paduduguin ko talaga ang nguso niya.

BINABASA MO ANG
Blood And Tears
Ficción GeneralWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...