Kabanata 43

12.6K 859 380
                                        

Ash's Note:

Thank you so much for the warm welcome. Masyado akong na overwhelm doon sa last chapter sa mga comment ninyo. Pakiramdam ko hindi ako naiwan mag-isa, hindi ko inaasahan na marami pa rin ang naghintay at nag-abang. Kaya super nakakataba ng puso. I wish I could make more updates para sa inyo. I tried, I tried so hard kaya kung medyo sabog man ang UD, I'm really sorry po.

I just want to kick myself para makabalik sa pagsusulat. I badly want to write with freedom and limitless words.

I just want to express myself na walang worries about technicalities and errors. I just want to put everything into words na hindi nag-iisip na baka mali grammar ko, baka mali ang mga punctuations, o mali yung mga wordings ko. I know I need those learnings pa to improve and I need to grow para 'di ko rin kayo ma-mislead. I'm doing it with my best but I also want to be limitless.

Kaya super thank you ako na tanggap ninyo pa rin ako. Super thank you at salamat po talaga ❤️

Writing is my escape to reality, it really lighten up my mood and for the past few weeks na hindi ako nagsulat, pakiramdam ko hindi ako nakakahinga. Kaya salamat po sa tiwala ninyong lahat ❤️

Drama ko. Hahaha. Basta iyon lang, I can't promise a regular update but will do my very very best para makapag-UD tulad ng dati ❤️

Hope you are all safe and fine. Be happy and be strong! I love you all ❤️

Always remember, you are loved.

Limitless 🖤

CELESTE

"No, hindi totoo 'yan! Hindi kita kadugo!" sabay tulak ko kay Spiderus at agad akong humakbang palayo ngunit wala pang segundo ang lumipas ng agad na tumutok sa akin ang baril ng mga tauhan niya.

Suminghap akong napatitig sa kanilang lahat at kalmado ang mga tingin ni Spiderus na iniangat ang  kamay.

"Ibaba ninyo 'yan, hindi n'yo sasaktan ang apo ko." utos niya agad na ibinaba ng mga babae ang armas nila.

"Hindi kita pipilitin na maniwala sa ngayon, Celeste, but believe me. . . matagal na kitang hinahanap." nakangiti niyang sabi at mapait ang ngiti kong umiling.

Marahas ko rin na pinahid ang mga luha ko at marahas na suminghap, "Kahit na anong sabihin mo, hinding hindi kita matatanggap." sabay hakbang ko palayo sa kaniya.

"At saan ka pupunta? Babalik ka sa bahay ni Hunter?" tanong niya na siyang naging dahilan kung bakit kusang tumigil ang mga paa ko.

Nanginginig ang labi ko mula sa lamig pero higit na puno ng tensyon ang buo kong katawan dahil sa sitwasyon ko. Gulong-gulo rin ang isip ko sa mga nangyayari at alam ko. . . hindi na ako muli pang makakabalik sa bahay ni Hunter, na wala na akong mapupuntahan.

"Yui, ang tanging gusto ko lang ay bigyan ka ng masisilungan sa mga oras na 'to. Sumama ka sa'kin at paglilas ng magdamag, hahayaan kitang mag desisyon."

Kasabay ng bawat patak ng ulan ang mga kuha kong walang humpay sa pag-agos gayun din ang mga hakbang niyang palapit sa akin.

"Hayaan mong tulungan kita at makabawi ako sa ilang taon na pagkukulang ko sa'yo." wala sa loob akong nag-angat muli ng tingin sa kaniya at ibinalot niya sa akin ang hinubad niyang itim na coat.

"Pwede ba iyon, Yui? Kahit sa konting sandali lang, hayaan mo 'kong maging lola sa'yo " marahan niyang hinawakan ang pisngi habang sinasambit ang bawat sandali.

Gusto ko siyang tabigin at itulak pero wala na, wala na akong ibang mapupuntahan pa. Wala na akong ibang pwedeng takbuhan sa mga oras na ito. Nanginginig ang mga labi ko at mainit pa rin ang mga matang nakatitig sa kaniya hanggang sa marinig ko ang boses ni Roro na patuloy akong hinahanap.

Blood And TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon