Listen to: Believer
AN: Char lang ang next year! Hahaha! pero baka bukas wala muna UD kasi maglalaba ako 😂Biruin niyo yun pati paglalaba ko chini-chika ko sa inyo 🤭
Basta konting action muna tayo ngayon, seryoso muna para umusad ang plot, excited na ako matapos ang BAT 😅
Tawang tawa lang ako sa comment niyo sa last chapter eh ang totoo naman, di ko rin alam ang mangyayari. Di nag iisip writer nito kapag nag ta-type panay bahala na kaya sana walang ma-disappoint lalo na sa ending hehe. 😅 Ending lang meron sa utak ko at final na yun 😅
Sana mabisita niyo rin ang MULA SERIES very light story lang yun 😊🤭🖤
Love you all! 🖤
Stay safe and sana makatulog kayo ng mahimbing. Sweet dreams, lovelies 😘
HUNTER
Ako lang mag isa ang susugod sa may slum area, kasama ko naman ang mga tauhan ko at panatag ako na magagawa ko ng maayos mag isa ang misyon.
Wala man kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa amin nila Uno ay kailangan namin tumuloy.
Malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari. Hindi magbabago ang isip ni Spiderus ng ganun lang kadali unless she finds out everything.
Kaya mas higit akong nag aalala sa mga pwedeng mangyari sa mga darating pang araw.
Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaan na mag tagumpay ang mga plano ni Spiderus--- hindi ako papayag na katulad niya ang mamumuno sa buong mundo--- kaya tama lang, tama lang na noon pa man ay na sabi ko na kay Celeste ang lahat lahat.
"Goods na Drake, may access na ako sa location niyo ni mama." bungad ni Rian sa kabilang linya.
Siya ngayon ang naka-monitor sa aming lahat. Buti naman ay pagkatapos niyang manganak ay agad siyang tumulong sa misyon.
Akala ko ay balak niyang maging pabigat sa amin at maging bantay na lang ng anak nila ni Drake.
"Clear na sa pwesto ko, walang ibang pwedeng daanan ang SEALD maliban sa aricon at sa ilang exhaust fan." sabat ni manang Rivas sa kabila at binigyan ko ng signal ang mga tao ko na umikot sa paligid.
Malaki ang lugar na sakop ko at malapit kami sa tambakan ng basurahan.
Maraming tao rin ang palisaw lisaw sa paligid, karamihan bata at ang ilan ay nangangalakal ng basura.
Ngumisi ako sa kawalang puso ni Spiderus. Pati ang paslit at mga inosente ay binibiktima at dinadamay niya sa pagiging sakim.
"Same, mga aircon lang sa loob ang pwedeng maging daanan ng virus." mula sa malamig na boses ni Kira na mukhang nakapasok na rin sila sa loob.
"Baka may mga babae kayong napansin na kahina hinala ang mga kilos. Huwag niyo kalimutan na babae ang nga tauhan nila." sabat ko.
Naging mapanuri ang mata ko at nilakasan ang pakiramdam sa mga taong nakapaligid sa akin--- pero wala ako makitang babae na markado ni Spiderus.
"Sorry, Hunter sa isang babae lang ako nakatingin ngayon eh." walang kwentang banat ni Uno at mukhang imbis trabaho ang inuna ay si Kira ang tina-trabaho niya.
"Lumayo ka nga, masyado kang nakadikit."
"Ini-ingatan lang kita, mahirap na baka magka-stampede at mapagkamalan kang plywood." sabay hagikgik ni Uno sa kabilang linya at angil ni Kira sa inis.
Napaismid ako sa naging usapan nila at mas itinuon ang atensyon sa misyon.
May ilan akong napansin na kahina hinala ang kilos kaya agad ko na kinambatan ang tauhan ko na sundan at bantayan ang kilos ng mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/236333864-288-k9421.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood And Tears
Ficción GeneralWARNING: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only. -Readers Discretion is advised- Started on: August 10, 2020 Ended on: November 12, 2021 Sta...